YAYA MOI: GUSTONG MAGING PALABANG COMEDIENNE!

SIYA LANG NAMAN ang PA (personal assistant) at yaya ng heartthrob na si Piolo Pascual. Nang aking makapanayam ay inamin niyang isa siyang single mother. Sino ‘yun? Si Moi!

As a single mother hindi naman hirap si Moi, kasi kay Piolo siya nagtatrabaho, saka involve naman siya sa mga artista.

Tinanong ko kung okey lang siya kay Piolo, I mean kumusta naman ang trato nito sa kanya. Then, tinanong ko kung nagka-crush siya kay Piolo, hindi naman daw. Hahaha!

Nakilala nang husto si Moi sa Survivor Philippines Celebrity Edition ng GMA-7.

Noong una ka sa Survivor, ano ang naramdaman mo? “Una kinakabahan ako.”

Ano ‘yun naka-paa ka? “Oo naka-paa kami lahat.” Naku! ‘Pag nagkasugat ka tapos may natapakan ka, masakit ‘yun.

Naliliimutan n’yo rin ba na may camera? “Opo, sobra talagang mali-limutan mo.”

Paano ka rin nagalit doon? “Ay, hindi naman po ako talagang nagagalit kasi game lang ‘yun.”

Bukod dito, tinanong ko kung anong sabon n’ya sa isla, wala raw; kung anong lotion n’ya kasi may mga scratch s’ya napansin ko, wala rin daw; ‘yung sepilyo n’ya, ginawan lang daw ng paraan, kaya tinanong ko kung may nasira siyang ngipin, wala naman daw.

Nang tinanong ko kung inaasahan n’ya bang manalo, sabi n’ya s’yempre naman daw. Wala rin naman diumano siyang nasaktan na Survivor celebrities. Alam naman daw niyang makisama, kasi sanay naman s’yang gawin dahil involved nga s’ya sa mga artista.

Paano ngayon, hindi ka nanalo, ok lang sa ‘yo? “Yes! Andyan naman si Piolo. Hindi ako uuwi ng probinsiya, kasi babalik ako kay Piolo (as PA).” Naks Piolo, savior ka huh!

Ah, ‘yung sa ‘yo kahit hindi ka nanalo basta at least nakasama ka. “Ah hindi po, kasi unang-una, gusto kong manalo kaya lang its part of the game.”

May asawa ka ba? “Ay, wala po akong asawa, pero meron po akong anak.”

Ano ang plano mo kung meron kang offer? Kasi ang tingin ko, ok ka sa comedy. “Ah, ‘pag comedy, gusto ko, Gagawin ko ang lahat para matuwa ang sambayanang Pilipino.” Wow! Hahahah!

Siguro break nga lamang ang kailangan ng mga nais mag-artista lalo’t nakita na ito sa giling ng kamera. Si Moi, malay natin, bagong mukha sa komedya. Well, bakit hindi?

Minsan, ang pagkaka-taon ay katulad ng isang kapalaran, minsan darating ito sa ‘yo nang ‘di mo sukat akalain. Nagsimulang makilala si Moi nang gumanap siyang maid ni Eugene Domingo sa pelikulang Kimmy Dora. Sa ngayon isa na rin s’yang commercial model.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments, suggestions, sponsors: call tel. no. (02) 3829838; e-mail: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com, visit www.pinoyparazzi.com.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.