Yaya, kulong sa pananakit ng alagang bata

SWAK SA KULUNGAN ang isang 19-anyos na yaya matapos itong ireklamo ng pang-aabuso ng magulang ng 1-taong gulang batang lalaki na alaga ng una nang mahuli ito sa video cam na sinasaktan ang alaga, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong Physical Abuse sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Amelina Tejero y Salinas, aka Lyn, tubong Butuan City, stayin babysitter ng Block 34, Lot. 24, Diego Silang St., Novaliches, Brgy. 168, Caloocan City.

Sa reklamo ni Nervie Buo, 30, ina ng biktimang si Jun-jun (di-tunay na pangalan), dakong alas-6:30 ng gabi, nakita niya sa aktong sinasaktan ang kanyang anak ni Tejero sa inilagay nitong video cam sa loob ng kanilang kuwarto

Agad na nagtungo sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan Police si Buo upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na naging dahilan ng pagkakadakip kay Tejero.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.