Yaya, halinhinang ginahasa ng mga kawatan

BATANGAS – ISANG KASAMBAHAY ang pangunahing biktima ng panloloob makaraang dalawa sa apat na kawatan ay halinhinang siyang gahasain habang nira-ransak ang kanilang inatakeng bahay sa bayan ng Taal sa lalawigang ito.

Sa police blotter ng Taal PNP, pinasok ng mga suspek ang tahanan ng pamilya Marco sa #28 Saturn St., Airline Ville Subd, Brgy. Butong.

Alas-4:40 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang mag-asawang Esperidion, 79-anyos at Violeta, 76, nang makapasok ang mga kawatan.

Sinasabing tinalian ng mga suspek ang mga biktima kasama ang dalawang kasambahay ng mga ito na itinago sa pangalang Jane at Love.

Makaraang ransakin ang tahanan at natagpuan ang mga salapi na nagkakahalaga ng P20,000, tatlong singsing na ginto, dalawang wristwatches, dalawa na lamang ang nag-hagkot ng mga ito habang ang dalawa sa mga suspek ay gumahasa sa isa sa mga kasambahay.

Makaraang mairaos ang kamunduhan ay tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon.  (EUNICE CALMA)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.