Sugod Shooting: Yaya at Angelina, bida na sa ANG SPOILED BRAT!

Patok na patok talaga sa masa ang tambalang Michael V. at Ogie Alcasid bilang Yaya at Angelina sa Bubble Gang. Aba, hindi lang kasi ang game show na Hole in the Wall ang ibinigay sa kanila. Mapapanood na rin natin ang magyayang riot sa big screen sa Ang Spoiled Brat The Movie!

Paniguradong may mga pakulo na naman sina Yaya at Angelina para pasayahin ang kanilang mga fans. Bakit nga ba espesyal ang pelikulang ito? Ang ex-lovers na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez lang naman ang gaganap na mga magulang ni Angelina at si Roxanne Guinoo ang kanyang seksing guro. Kasali din sa cast sina Leo Martinez, Iza Calzado at marami pang iba.

Para sa mga hindi na makapaghintay, halina’t silipin natin ang katatawanan sa likod ng bonggang pelikulang ito! Paniguradong winner na winner ito sa takilya!

By Mica Rodriguez, Photos By Fernan Sucalit

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.