Yate, Lumubog; 11 Dayuhang Pasahero, Nasagip

SIYAM NA Chinese at dalawang British nationals na galing sa Hong Kong ang nasagip ng isang cargo vessel matapos lumubog ang sinasakyan nilang yate sa karagatang malapit sa Itbayat Island sa lalawigan ng Batanes.

Sinabi ni Coast Guard Spokesman Lieutenant Commander Armand Balilo na binayo ng malakas na hangin at malaking alon dulot ng Bagyong Ambo ang yate kaya lumubog ito.

Ilang oras din aniyang nagpalutang-lutang ang mga dayuhan bago nailigtas ng mga tauhan ng napadaang cargo vessel na MV Easy Access.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.