Yassi Pressman, itsinitsismis ang ex-boyfriend?

Yassi-PressmanNILINAW NI Yassi Pressman na hindi sa kanya nanggaling ang balitang ipinalit sa kanya ng ex-boyfriend na si Sef Cadayona ay isa rin Kapuso actress na si Andrea Torres.

“It didn’t came from me. Mas nauna pa nga ang press na malaman ‘yun kaysa sa akin. Ayoko na lang isipin ‘yun kasi tapos na kami ni Sef. Tama na ‘yung minsan akong nagkamali,” say ni Yassi.

Noon ay okey sila ni Andrea. Magkagrupo pa nga sila sa Sunday All Stars at madalas silang magkuwentuhan. Ngayon daw ay dedma na lang daw si Yassi kay Andrea.

“It’s better na umiwas na lang ako, ‘di ba? If she want to say something sa akin, okay lang. But it’s better nga na may distance na kami para walang maging intriga pa,” say pa ni Yassi.

Civil naman daw sila ni Sef. Kapag nagkikita raw sila sa GMA 7 ay nagbabatian pa rin sila.

Samantalang itinanggi naman ni Sef na si Andrea Torrres na nga raw ang ipinalit kay Yassi.

Magkatsikahan lang daw sila ng actress sa taping ng Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7.

Ganoon naman daw kasi ang tinginan nila sa BG na parang tunay na magkakapatid kaya ganoon din sila ka-close sa isa’t isa ng Bubble Gang barkada.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Yassi Pressman, itsinitsismis ang ex-boyfriend?

Leave a Reply

Your email address will not be published.