Yasmien Kurdi, walang problema sa mother role

Yasmien-KurdiHINDI RAW big deal kay Yasmien Kurdi kung mother role na ang ibibigay sa kanya ng GMA 7. Basta maganda ang projects at role na ibibigay sa kanya katulad ng mga role na ibinibigay sa kanya ngayon.

“Okey lang naman, wala namang problema sa akin. Kasi mommy na rin naman ako. ‘Wag lang siguro na ‘yung magiging anak ko ‘yung parang kasing tanda ko na. Hahaha!

“Katulad du’n sa Anna Karenina, ako sa Maggie Monteclaro, ang ganda ng role ko. Ako ‘yung susi, so hindi gagana ‘yung istorya kung wala si Maggie.

“Basta ako kahit anong projects ang ibigay nila sa akin, nanay man yan o kahit ano pa, basta maganda ‘yung project at maganda ‘yung role okey lang sa akin.

“Sobrang happy ako sa GMA 7, very grateful ako sa kanila for giving me good projects at sa pag-aalaga sa akin. Halos lahat ng projects na binibigay nila sa akin maganda pati roles ko maganda, kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA 7,” kuwento ni Yasmien.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.