Yasmien Kurdi, tutuluyan si Baron Geisler – Lolit Solis

MATAGAL KO NANG hindi nakakausap ‘tong alaga kong si Yasmien Kurdi dahil mas abala siya ngayon sa pag-aaral niya.

Sabi nga niya nung huling in-interview siya ng Startalk, mas priority eaw niya ngayon ang pag-aaral niya at kapag naka-graduate raw siya, gusto pa niyang mag-master. Bongga siya, ‘di ba?

At least mas ganado siya ngayon sa pag-aaral at pursigido talaga siyang makatapos.

Pero hindi pa rin pala nakalimutan ni Yasmien ang isinampa niyang kaso laban kay Baron Geisler at itutuloy raw niya ito.

Ang latest daw, pinag-uusapan daw nila ngayon ng alaga niya na ilipat ito sa DOJ.

Inaayos pa raw ngayon ng abugado niya, pero pursigido raw siyang ituloy ito at nagpapasalamat nga siya kay Sec. Ronnie Puno dahil nandiyan pa rin daw sila na willing tumulong sa kanya, sa ilalim ng Protection for Women and Children’s Desk ng DILG.

Ang isa pang ikinagalit ni Yasmien, nagsisinungaling pa raw itong si Baron sa mga interview na hindi raw niya ito tini-text ng mga kabastusan.

Pagkatapos mag-file ng kaso ni Yasmien, patuloy pa rin daw siyang tini-text nitong Baron ng kung anu-anong kabastusan. Minsan nga pinu-forward pa ito ni Yasmien sa ibang reporter namin para may pruwebang ginugulo pa rin siya ni Baron sa text.

Pero itinatanggi ito ng aktor at never daw niya ito ginagawa. Kaya nairita lalo si Yasmien.

Nalaman pa raw nitong may iba pang mga babaeng nabastos din ni Baron. Sana lumabas daw ang mga ito para sama-sama raw silang magsasampa ng reklamo sa DOJ.

Kaya tinitiyak ni Yasmien na hindi niya ito pababayaan, at itutuloy daw niya ito para mabigyan naman daw ng hustisya ang ginawa sa kanya ni Baron nu’ng nagkasama sila sa taping ng SRO Cinemaserye.

SA SABADO NA magsisimula ang Celebrity Duets ng GMA-7 pagkatapos ng Wish Ko Lang.

Siyempre ang una kong suportahan diyan ang mga bestfriend kong

sina Mikaela Bilbao at Joel Cruz.

Mukhang sila ang maglulustay ng salapi para makakuha lang ng maraming boto at manalo kaya abangan nyo ‘yan!

Bukod sa dalawa, kasali rin sina Nonito Donaire, Jr., Maxi Cinco, Niccolo Cosme, Gina Alajar, Janina San Miguel, Akihiro Sato at Jomari Yllana.

Sa nakaraang presscon nito, ang daming naaliw kay Janina dahil talagang ginamit niya ang bloopers niya noon sa Binibining Pilipinas.

Dito sa Celebrity Duets, gusto lang daw patunayan ni Janina na hindi basta-basta matatanggal ang mga beauty queen. Nandiyan daw ang family niya na todo ang suporta sa kanya.

Ang sabi pa nga ng hitad, may family daw siya all over the Philippines. Kaya naniniwala siyang marami ang boboto sa kanya para umabot sa finals.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Yasmien Kurdi, tutuluyan si Baron Geisler – Lolit Solis

  1. Tama lng mag-aral yang batang yan pra naman pag-ininterview cia may lumabas namang makabuluhan sa bibig nya hindi ung puro insignificant sa topic ang sagot.. Namumukod tangi itong c Yasmien at syempre kalevel nya c Marian sa mga stars ng GMA na may mga BEAUTY pro prang nagkalat ang BRAINS (kung meron man) bwaaahhaaahaaaa….

Leave a Reply

Your email address will not be published.