Yasmien Kurdi, nangangarap na magka-acting award

Yasmien-KurdiANG MAGKAROON ng acting award daw dito sa Pilipinas ang isa sa pangarap ni Yasmien Kurdi.

“Siguro isa sa pangarap ko ang magkaroon ng acting award. Kasi nanalo na ako sa ibang bansa, pero saPilipinas hindi pa. Sana manalo ako!” Ito ang naging pahayag ni Yasmien nang makausap namin sa launching ng Philippine Showbiz Republic Portal ng mga kapatid sa panulat na sina Rodel Fernando (Editor-In-Chief), Rommel Placente and Mildred Bacud (Executive Editors) and Ms. Marla David (Editorial Advisory Board).

At sa husay sa pagganap na ipinakikita nito sa kanilang teleserye ni Jennylyn Mercado, marami ang nagsasabing hindi malabong makamit ni Yasmien ang kanyang pangarap na makasungkit ng award sa telebisyon.

Nagpapasalamat nga ito magandang review sa kanyang pag-arte sa Rhodora X, kaya naman daw mas inspirado siyang mas paghusayan ang kanyang pagganap sa nasabing top rating serye.

Isa pa raw sa wish ni Yasmien ay ang makagawa ng indie film, at isa sa mga artistang gusto niyang makasama ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano, na ayon kay Yasmien ay isa sa maituturing niyang pinakamahusay na aktres sa Pilipinas.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Yasmien Kurdi, nangangarap na magka-acting award

  1. walang masamang mangarap …. acting award? you should earn it…and always give your best in any role that you do..

Leave a Reply

Your email address will not be published.