Yasmien Kurdi, nagtitiis sa kanyang sakit

Yasmien-KurdiHINDI NAPIGILAN ni Yasmien Kurdi na maiyak dahil sa nag-aalala ito sa sakit niya sa lalamunan.

May tumubo kasing cyst sa vocal folds niya at malaki raw kaya hindi kayang alisin ng gamot lang. Dapat talaga siyang operahan, kaya natatakot itong dati kong alaga.

Mabuti na lang at benign naman kaya hindi siya nag-aalala na baka cancer ito.

Ang iniisip lang niya, baka hindi na raw mabalik sa dati ang boses niya pagkatapos siyang operahan ngayon.

Ngayon kasi ay hindi na niya naabot daw ang mga dati niyang kinakanta dahil minamalat siya agad.

Kaya dapat talagang operahan sabi ng doktor.

Hindi lang puwedeng magpaopera ngayon si Yasmien dahil kailangan niyang tapusin muna ang Rhodora X.

Kasagsagan pa ngayon ng taping niya sa Rhodora X na gumaganda at lalong dumarami ang sumusubaybay kaya tiis-tiis daw muna siya dahil hindi naman niya puwedeng iwan ang Rhodora X.

Ang inaalala lang ng Kapuso actress, baka hindi na raw mabalik sa dati ang boses niya pagkatapos ng operasyon. Iyun daw ang hindi matiyak ng doktor pagkatapos niyang operahan. Pero puwede naman mabalik, hindi nga lang sure ng doktor.

Kaya dinadasal talaga nang husto ni Yasmien na mabalik sa dati ang boses kapag ipatanggal na nito ang cyst sa lalamunan niya.

Gusto pa raw niyang makapag-record pa ng album kaya napapaiyak ito kapag napag-usapan ang sakit niya, nandiyan pa rin ang pag-aalala na baka hindi na mabalik sa dati ang boses niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Yasmien Kurdi, nagtitiis sa kanyang sakit

  1. i think lesson learned narin ito kay yasmien, diba nagka problema sya sa relasyon nya sa pareths nya, dahil inc sila at nakipagrelasyon sya sa hindi nila kapananampalataya, sana maiisip ni yasmien yun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.