Yasmien Kurdi, naayos na ang gusot sa kanyang ina

GOOD NEWS ang kuwento ni Yasmien Kurdi sa Startalk na mapapanood n’yo bukas dahil okay na pala sila ng mama niya.

Hindi niya masyadong dinetalye kung paano sila nagkaayos, pero sila raw ang pumunta sa mama niya dala ang baby nila ng non-showbiz dyowa niyang si Rey Soldevilla, Jr.

Siyempre, nakita na ang unang apo niya na kamukhang-kamukha pa naman ng anak niya kaya siyempre lumambot din ang puso at okay na raw sila.

Sabi naman ni Yasmien, siyempre siya ang anak ang nagpakumbaba kaya sila na ang pumunta sa Mama niya dala ang kanilang baby.

Tuwang-tuwa raw ang mama niya nang nakita ang baby dahil ngumiti pa raw ito sa kanya. Pati nga raw ang lola niya at masayang-masaya rin na nakita na niya ang apo niya sa tuhod.

Naging emotional si Yasmien nang na-interview ito ng Startalk dahil pagdating sa mama niya ay talagang naiiyak daw siya. Mahal na mahal daw niya ang mama niya, kaya mabigat din daw sa kanya na nagkakaroon sila ng conflict dahil sa pagpapakasal niya kay Rey.

Wala naman daw talaga sanang problema, pero medyo malalim daw ang dahilan ng isyu pagdating sa relihiyon. Ayaw na lang ikuwento ni Yasmien dahil problema raw ito sa pamilya na sila lang dapat ang mag-ayos. Hindi na raw kailangang pag-usapan pa sa publiko.

Pero masaya na raw sila, at pati nga raw ang daddy niya sa Lebanon ay excited na ring pumunta rito para makita ang baby niya.

Ngayon ay ang binyag na ang susunod na gagawin na hindi pa masabi ni Yasmien kung paano, dahil Roman Catholic si Rey, Iglesia naman siya at ang Mama niya at Muslim naman ang Daddy niya.

Kaya hindi pa masabi ni Yasmien sa ngayon kung ano ang plano nila sa binyag nito.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang exclusive interview namin kay Yasmien.

 

BUKAS NA rin pala magsisimula ang Wowowillie ni Willie Revillame na isa nang noontime show, dahil magsisimula na ito ng 11:30 ng umaga at makipagpukpukan ng laban sa Eat Bulaga at It’s Showtime.

Sobrang pinag-handaan nila nang husto, lalo na’t nasa bagong studio na rin ito sa Delta Theater.

Matindi ang preparasyon dito ni Willie at ng buong staff kaya sobrang na-challenge na naman siya.

In fairness naman kay Willie, nu’ng sinabi ito sa kanya nina Atty. Ray Angeles na gagawin na siyang  noontime show, ang unang tinanong niya talaga kung paano ito tanggapin nina Joey de Leon at Vic Sotto na kasama rin naman niya sa Kapatid Network.

Hiningi nga sa akin ni Willie ang number ni Joey at tinawagan niya ito. Maayos silang nagkausap at nagpaalam nga sa kanya si Willie, na okay lang naman kay Joey.

Sabi nga ni Joey, wala na raw sa kanya ‘yun at sabi pa nga raw nito kay Willie baka darating din ang araw na magkakasama rin sila sa iisang show. Bongga ‘yun ‘pag nagkataon.

Tingin ko naman hindi na isyu ‘yan sa Eat Bulaga, dahil hindi na maitatangging nandiyan na talaga ang supporters ng Eat Bulaga. Hindi na maitatanggi ‘yun.

Siguro nga okay na ‘yun at tapos na sila sa patutsadahan. Sabi nga ni Willie, mas maganda na ‘yan para mas marami silang matutulungan. ‘Yan ang birthday gift ni Willie sa patuloy na sumusuporta sa kanya. Bongga na ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Yasmien Kurdi, naayos na ang gusot sa kanyang ina

  1. sana ma realize ni yasmin ang pagkkmali nya…alam nya kung gaano kaimportante  ang religion nya…sana huwag syang gagawa ng lalong ipagkkasala nya….magisip sya ng maraming beses sa ggawing hakbang para sa anak nya…malaking pagsubok yan sa”yo…..payong kapatid lang..

Leave a Reply

Your email address will not be published.