Yasmien Kurdi isinuot ang magna cum laude medal sa ina

Yasmien Kurdi with her mother

KAHIT BUSY sa pag-arte ay nagawa pa ring grumaduate ng college ni Yasmien Kurdi. She graduated magna cum laude nitong April 6 sa Arellano University sa kursong AB Political Science.

Proud na ipinost ni Yasmien sa kanyang Facebook account ang latest achievement na kanyang nakuha bilang estudyante na umani ng libu-libong komento mula sa netizens.

Pinasalamatan din ng aktres sa kanyang post ang asawang piloto na si Rey Soldevilla, ang anak na si Ayesha Zara at ang kanyang buong pamilya.

“Salamat sa pamilya ko, sa asawa ko na si Rey sa pagmamahal, pag gabay, pag-iintindi at inspirasyon na binibigay mo sa aking buhay. At sa anak ko na si Ayesha Zara, gusto ko lang talaga maging magandang halimbawa sayo anak. Mahal na mahal kita! Laging proud si mama sayo.”

Inialay din ni Yasmien ang kanyang medalya sa butihing ina at isinuot pa ito sa leeg ng kanyang mom.

“Sa aking Ina, ang aking pinaka-unang guro…  salamat sa pagpapalaki at pagsasakripisyo ng maraming bagay sa buhay mo para sa akin. Para sayo ito Ma!  Mahal kita!” very touching na mensahe ni Yasmien sa kanyang mom. 
    

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.