Yasmien Kurdi irritated by JC de Vera

ANG DAMING DATE na naglalabasan ng kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Merong nagsasabing May 4 o May 12, pero nu’ng na-interview ng Startalk si Juday sa pictorial ng Flawless nu’ng nakaraang Biyernes, sinasabi nitong March o April. Basta kapag nabili na raw nila ang bahay na balak nilang bilhin.

Somewhere in Alabang siguro iyong bahay na ‘yun, pero malaki raw at perfect lang daw sa kanila ni Ryan, kasama siyempre si Yohan at gusto ni Juday isang baby muna sila para may kasama si Yohan.

Ang gusto nga niya pagkatapos ng kasal, magbabakasyon muna ng isang taon, iyong tuluy-tuloy nang mabuntis para talagang mag-concentrate muna siya sa pagiging Mrs. Agoncillo.

Ang dami ngang plano ni Juday at in fairness naman sa kanya, kasama sa plano niya ang sa pamilya niya, dahil tinitiyak nitong may maiiwan siya sa kanyang Mommy at sa mga kapatid.

Pinagbibili na pala ni Juday ang bahay niya, ang ibang condo unit sa mga kapatid niya. Unti-unti raw niya itong iginapang para natitiyak niyang okay na ang kalagayan ng kanyang pamilya.

Iyong bahay niya sa may Commonwealth, siyempre sa Mommy na niya ‘yun. Balak nga niyang ipa-renovate ang bahay na iyon para mapalaki raw ang kuwarto ng Mommy niya at magkaroon din sila ng kuwarto roon para kung type nilang doon matulog, meron silang sariling kuwarto.
Abangan na lang natin itong nalalapit na kasal nilang dalawa, dahil hindi naman daw niya ito itatago sa atin.

Ewan ko lang kung kayang sugurin ito ng mga Paparazzi natin, ha! Pero sabi ni Juday hindi naman daw niya ito ipagkakait sa media at press dahil malaki naman daw ang utang na loob nila sa mga reporters na patuloy na sumusuporta at nagpu-protekta sa kanila.

Pero ang gusto yata ni Juday, magbibigay lang siya ng material na puwede nating gamitin pero hindi lahat.

Kaya hinahamon ko ang mga Parazzi fotogs natin kung kaya nilang sumingit sa kasal para makapagkuha roon. Bonggang-bongga ‘yun, ‘Day!

NAG-CELEBRATE SI YASMIEN Kurdi ng kanyang kaarawan kasama ang mga malalapit na kaibigan nu’ng nakaraang Linggo.

Ang sabi niya, mga close friends lang talaga ang imbitado kaya konti lang sila. Dedma talaga siya kay JC de Vera dahil hindi niya ito inimbitahan.

Nabura na raw niya ang phone number ni JC kaya hindi na niya alam kung paano ito ma-invite.

Siyempre, meron namang paraan kung gusto niya. Pero bandang huli, naikuwento na niya sa mga reporters na irita pa rin siya hanggang ngayon dahil hindi raw niya gusto ang mga pinagsasabi nitong si JC laban sa kanya.

Matatapos na ang loveteam nina JC at Rhian (na dinig ko nagkakairitahan din), at posibleng mai-partner uli si Yasmien kay JC. Pero ang sabi ni Yasmien, ayaw na niya para hindi na maulit ang dating isyu nila noon.

Noong party pala ni Yasmien, medyo malungkot siya dahil kabi-break lang pala nito sa non-showbiz boyfriend niya?

Yes, mga bakla! Matagal nang may boyfriend iyang si Yasmien at tahimik lang ito dahil may inaalagaan naman siyang loveteam. Pero ang guwapo nu’ng boyfriend niyang ‘yun, ha! Kaya lang meron silang hindi napagkasunduan at aalamin natin iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Yasmien Kurdi irritated by JC de Vera

Leave a Reply

Your email address will not be published.