Yasmien Kurdi files sexual harassment against Baron Geisler

PORMAL NA RING nagsampa ng kaso si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler na kailan lang lumipat sa GMA 7 para magtrabaho.

“Sexual harassment at act of lasciviousness” ang sinasabing mga kaso na isinampa ng batang aktres na diumano’y sinilipan, binirong patungan habang natutulog at pinakitaan ng aktong “nag-ma-masturbate” habang nagsasalita ito ng mga malalaswa.

Hindi pa makunan ng pahayag ang aktor pero ayon sa aming source, eh balisang-balisa na naman daw ito nang malaman ang mga nangyari. Balitang ‘ngenge’ sa alak si Baron nang gawin nito ang mga nabanggit.

Nakarating din sa aming kaalaman na may pakiusap daw na ginawa ang isang mataas na ehekutibo ng network para ayusin sana ito without resulting to legal battles, pero lalo lamang daw itong ikinainis ng batang aktres.

DAHIL DUMARAMI NA ang mga nasasangkot sa eskandalong Hayden Kho, mukhang hindi pa nga agad matatapos ang mga ‘sub-issues’ ukol dito.

Ngayon naman, may usaping droga na, at tila papasok na sa eksena ang PDEA para imbestigahan ang mga sangkot. Pinaratangan ng ina ni Hayden na si Katrina Halili ang humikayat sa anak para malulong sa droga? May plano nang magdemanda sina Katrina laban sa ina ni Hayden.

Nakakaloka rin ang mga binitawan pa niyang mga salita ng nanay laban kina Katrina, Manay Lolit Solis at Senador Bong Revilla.

Gusto man naming unawain ang kanyang mga litanya bilang isang inang nasasaktan para sa anak, pero sa mga napanood naming mga eksena sa sex videos ng kanyang anak, eh tila mas lalo pa yata kaming nainis sa mga emote niya.

Lumantad na rin ang mga nagmamay-ari ng pangalang nabanggit bilang mga ‘nagpakalat’ diumano ng naturang sex video, pero may mariin ditong pagtanggi.

Hindi rin kami naawa kay Dra. Vicki Belo na sa tingin namin ay baliw na baliw pa rin kay Hayden dahil parang gusto pa niya itong suportahan despite the possibility of her sex video to come out soon.

Kung hanggang saan ito hahantong, makikiramdam na lang muna tayo.

TATAHI-TAHIMIK NAMAN SI Manny Pacquiao pero may mga nangyayari na palang negosasyon tungkol sa posibleng paggawa niya ng ilang Hollywood movie.

Bongga ang Pacman dahil iniidolo siya ngayon ng ilang mga Hollywood celebrities at kahit na nga ang bagong bida ng Terminator na si Christian Bale, aminadong inspirado sa ating magaling na boksingero.

Isang Sylvester Stallone project daw ang iniaalok dito, at balita naming nagpakita din ng interes ang hanay nina Denzel Washington na makuha siya for a project.

Nakatutuwang isulat na nahahanay na sa mga sikat na artista sa mundo ang names ng ating mga Pinoy talents.

Para bang ka-level na ka-level na natin sila at lumalabas pang mas bida ang mga gaya ni Pacman.

At dahil may nanalo nang Pinoy bilang Best Director sa Cannes Film Festival, hindi malayong ang susunod na mga kabanata para sa ating mga taga-industriya ay mas mapansin pa.

Go, go, go, go!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.