Yasmien Kurdi, envies Katrina’s fame?

THANKS TO LONG-TIME colleague Liza Endaya, talent coordinator of Juicy (aired daily on TV5), she booked me for a taped guesting last Monday. I showed up at the studio with a “juicier” purpose: ang executive producer (EP) kasi ng nasabing programa, si Omar Sortijas, ang itinuturong drug courier umano ng kampo ni Dr. Hayden Kho from whom the illegal stuff came.

Hayden, in his testimony, has identified a certain “Omar,” handler ni Katrina Halili, na siya umanong nagsu-supply ng drugs sa noo’y magkarelasyon bago nila isagawa ang pagniniig.

“Natawa na lang ako sa pinalalabas ni Hayden. Ako, drug courier? Eh, ‘di sana you see me driving an expensive car around,” sey ni Omar nang maabutan ko sa labas ng studio puffing at his cigarette.

As if to appease him, sey ko kay Omar: “Mamili ka, drug courier o AIDS carrier?” Omar retorted: “Ay, mas type ko pa yatang maging AIDS carrier!”

Hindi na raw nagtataka si Omar if Hayden’s camp, in its desperate attempt to get the doctor off the hook, will resort to manufacturing another pack of lies.

Pero teka, totoo nga bang masama ang loob ni Omar kay Mike Enriquez at sa staff nito ng Imbestigador? Sey ni Omar: “We (sila ni Katrina) felt they violated our rights.”

IS THE MANAGER the last to know?

Lukang-luka si Lolit Solis sa kanyang alagang si Yasmien Kurdi. Listen to her story.

“Ayoko sanang sagutin ‘yung cellphone ko kasi number lang ‘yung naka-register. Pero sinagot ko na rin. ‘Hello, sino ‘to?’ Nagpakilalang Atty. Ferdie Topacio ang tumawag sa kanya, pamilyar kay ‘Nay Lolit ang pangalan ng abogado, reminiscent of the Manila filmfest fiasco she engineered herself.

“O, bakit napatawag ka?” Tanong ng manager. “‘Di ba, alaga mo si Yasmien Kurdi?” Na inoohan naman ni ‘Nay Lolit. “Kasama ko kasi siya ngayon, eh,” sabi ng lawyer. ‘Nay Lolit asked that she speaks to Yasmien, tinanong niya ito kung bakit may kasama siyang lawyer. Simple lang daw ang sagot ng alaga, wala lang.

‘Nay Lolit bided her time, pero palaisipan sa kanya ang pagkakasama ni Yasmien at ng abogado. Naghintay muna siya ng trenta minutos, saka niya dinayal ang numerong nakarehistro sa received calls sa kanyang cellphone.

Pagsagot nu’ng lawyer, tinanong agad ng manager kung bakit kasama nito si Yasmien, kapwa rin kaanib sa Inglesia Ni Cristo. Sagot ng abogado: “Bakit, hindi mo ba alam? Kinonsulta muna ni Yasmien ang kapatiran (referring to their church) sa plano niyang pagdedemanda kay Baron Geisler ng acts of lasciviousness!”

Takang-taka ang manager, why was she not told about it? And why Yasmien’s change of heart, eh, isang araw bago siya lumapit sa INC, pinakiusapan pa nga raw niya ang production para huwag sibakin ang karakter ni Baron sa kanilang teleserye?

Duda ni ‘Nay Lolit, “inggit” daw ang nanaig kay Yasmien na ayaw magpatalbog kay Katrina Halili sa gitna ng sex scandal nito!

PEPERRONI by Ron Carrasco III

loading...

11 thoughts on “Yasmien Kurdi, envies Katrina’s fame?

  1. bakit naman magsisinungaling si yasmien, kapatiran na nga nya ang sinumbungan niya si manay wala naman iniisip yan kung hindi sarili niya pero kapakanan ng mga alaga niya dedma lang siya, kaya dapat yasmien magpalit ka na ng manager mo, maganda si yas at hindi naman siya ganun kataba, malalaki lang bone structure nya, malaking bulas kasi

  2. i saw yasmien in person, me katabaan nga at di masyado maganda haha.
    Pero kung totoo tlga yung sinasabing ginawa ni Baron sa kanya, dapat lang tlga syang parusan kasi kamanyakan na yun.

  3. hay naku if totoo yan bat di pa napadalhan ng subpoena si baron?..nakakatawa kung papayag ang producer ng show nila na ibahin ang script just becoz ayaw ni yasmin..hello baron is a best actor compared to yasminwinning what?in acting category? mag comedy na lng siya kung ayaw niyabg gumawang maselang eksena.

  4. Papaano pang maniniwala sa iyo kung papalit palit ka nang decision. it’s sad because you have just jeopardized your credibility.

    • krek talga ” scene stiller kc yang c yasmien, ingeetera. kaya papansin,…….. hindi naman magaling umarte >>>>>>maarte lang sya…….kapareho kuna sya lumba-lumba -,, buti nalang hindi ako artista, indi ako pagtatawanan……..

  5. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #70

Leave a Reply

Your email address will not be published.