Yasmien Kurdi, ‘di na naman sinipot sa korte BARON GEISLER, IPAARESTO NA!

NAIYAK SA SOBRANG inis si Yasmien Kurdi nang dumalo ito sa hearing ng kasong Acts of Lasciviousness at Unjust Vexation na isinampa nito laban kay Baron Geisler dahil hindi na naman sumipot ang huli.

Nu’ng kamakalawa dapat ang arraignment nito sa sala ni Judge Lauro Bernardo ng Bocaue Municipal Trial Court, pero naurong na naman ng January 19 dahil wala nga si Baron.

Hiniling nga ng abogado ni Yasmien na si Atty. Ferdie Topacio na dapat isyuhan na ng warrant of arrest si Baron dahil sa ‘di nito pagsipot sa arraignment. Pero humingi uli ng isa pang palugit ang abogado ng aktor na si Atty. Bonifacio Alentajan, dahil hindi raw makaalis ng taping si Baron.

Kaya binigyan lang ito ng isang linggo at sa January na itutuloy ang hearing nito na dapat daluhan na ni Baron para hindi na ito maaresto.

In fairness nga naman kay Yasmien, abala rin siya sa kanyang pag-aaral pero talagang naglaan ito ng oras para daluhan ang hearing na ‘yun. Dapat irespeto naman daw ni Baron ang korte dahil artista rin siya, puwede naman niya itong ipagpaalam.

Hindi na niya napigilang maiyak dahil tuwing nasa hearing daw siya, bumabalik sa alaala niya ang mga ginawa sa kanya ni Baron nu’ng nagti-taping ito sa SRO.

Nag-sorry naman daw sa kanya sa text, pero ang ikinainis nito, kapag nasa TV ito, parang wala siyang alam at nagpapakainosente ito sa ibinibintang sa kanya.

Kaya pursigido si Yasmien na ituloy ang kaso dahil wala naman daw siyang nakitang pagbabago kay Baron.

Nakahanda  na raw siyang harapin ito sa susunod na linggo na dapat ay siputin na ni Baron, dahil kung hindi, iisyuhan na talaga siya ng warrant of arrest at aatras na raw si Atty. Alentajan bilang legal counsel nito.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuang panayam namin kay Yasmien at ang mga eksena doon sa hearing.

PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA ni Mark Herras para sa susunod nitong project sa GMA-7 na isang dance-serye.

Ang alam ko, si Kris Bernal ang makakatambal niya rito pero pinaghahandaan pa ito ng GMA-7 kaya hindi pa alam kung kailan na ito magsisimula.

Ayaw naman ni Mark na pag-usapan pa iyan dahil wala pa naman daw pasabi sa kanya kung tuloy ba ito. Kapag nagsimula na raw ang taping saka na niya ito isipin at baka may mababago pa.

Mukhang behaved na rin naman itong alaga ko dahil hindi na nga raw ito naglalabas ngayon. Kapag walang trabaho, sa bahay lang daw ito nag-iensayo at nag-aalaga sa mga bago niyang pets.

Punung-puno na pala ng aquarium ang kuwarto niya dahil ang dami na niyang alagang isda. Meron din daw siyang alagang hamster at dito na niya ibinubuhos ang panahon niya bukod kay Ynna Asistio, siyempre.

Mas okay raw ngayon ang relasyon nila ni Ynna pagkatapos ng isyu nila noon ni Nadia Montenegro. ‘Di ba magbabakasyon na nga raw muna si Nadia sa Amerika para matahimik na raw muna siya?. ‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Yasmien Kurdi, ‘di na naman sinipot sa korte BARON GEISLER, IPAARESTO NA!

  1. say peace if u want armageddon comes i urges to people that help me spread the good news to the other social networking sites when powerfull nation say peace the armageddon will come and poverty,accident,crime,disaster,disease,older,and DEATH WILL BE NO MORE

Leave a Reply

Your email address will not be published.