Yaman ni Willie Revillame, ‘di galing kay VP Noli de Castro by Cristy Fermin

TOTOONG IPINAKUHA NA ni Willie Revillame ang mga kagamitan niya sa ABS-CBN, hindi maaaring ikaila ‘yun dahil naka-log naman sa mga guwardiya ang pagpunta sa kanyang dressing room ng kanyang driver at sekretarya.

Pero OA naman ang kumalat na balita na pati ang flower vase sa kanyang dressing room ay ipinahakot na ni Willie, puro mga personal na kagamitan niya lang ang ipinakuha ng TV host.

Naiwanan niya du’n ang mga paborito niyang rubber shoes na sinadya niyang hindi iniuuwi pagkatapos ng Wowowee para anumang oras niyang gustong magpalit habang nasa ere siya ay nandu’n na agad.

Naiwanan niya rin du’n ang kanyang mga polo na isinusuot niya sa pakikipag-meeting, nandu’n ang mahahalaga niyang personal na gamit, kaya nu’ng magdesisyon siyang magpahinga sa programa ay ipinakuha niya ‘yun sa kanyang mga tauhan.

Ang pakahulugan ng marami sa pagpapahakot niya ng mga kagamitan sa dressing room ay hindi na siya babalik. Wala na raw siyang iniwanan du’n, tanda na wala na rin siyang planong bumalik pa sa istasyon.

Ang dressing room ni Willie sa ABS-CBN ay parang isang maliit na bahay na ang itsura. Meron siyang malaking sofa na higaan du’n, meron din siyang dining table, meron na rin siyang mga lalagyan ng damit sa may kusina ng dressing room.

Pagkatapos ng Wowowee ay nandu’n lang si Willie kapag wala siyang lakad, nagpapahinga lang siya du’n pagkatapos mag-host nang dalawa’t kalahating oras, du’n na rin nagpupuntahan ang kanyang mga kaibigan dahil kapag umuuwi na si Willie ay hindi na siya tumatanggap ng mga bisita sa kanyang bahay.

Ganu’n lang ang pang-araw-araw niyang ginagawa, studio-bahay lang ang ikot ng kanyang mundo, nagpupunta siya sa mismong site ng ipinagagawa niyang gusali kapag may kailangan silang pagdesisyunan ng kanyang contractor at arkitekto.

PINAGTAWANAN LANG NI Willie ang kuwentong kumakalat ngayon na ang mga ari-arian daw na naipupundar niya ay tagong yaman ni Vice-President Noli de Castro.

Para raw hindi masyadong kalampagin ng mga nag-iimbestiga ang mga ari-ariang meron ngayon ang vice-president ng bansa ay kailangang mailipat ang mga propedad nito sa ibang pangalan.

Si Willie raw ang front ni Kabayang Noli, sa kanyang pangalan daw nakalagay ngayon ang building na ipinagagawa sa may audience entrance ng ABS-CBN, pati raw ang mga bahay na nabibili ni Willie ay hanggang sa pangalan lang naman niya pero ang totoong may-ari nu’n ay si Vice-President Noli.

Sa pagsasabi ng ganu’n ay para namang hinuhubaran na natin si Willie, parang hindi na natin binibigyan ng pagpapahalaga ang araw-araw niyang pagho-host sa Wowowee na nagiging dahilan na nga ng kanyang pagkakasakit, parang hindi man lang natin binigyan ng kredito ang mga pagsisikap at pagsasakripisyo nu’ng tao kapag ganu’n ang pinalalabas ng iba.

Kayang-kayang bilhin at ipundar ni Willie ang kung anumang ari-ariang meron siya ngayon, hindi naman barya-barya lang ang kinikita niya araw-araw sa Wowowee, bukod pa ‘yun sa mga tinatanggap niyang talent fee sa pag-eendorso ng iba’t ibang produkto.

At hindi maaaring kuwestiyunin ang kayamanan ni Willie ngayon, nagbabayad siya ng tamang buwis, wala siyang dapat panagutan sa ating gobyerno dahil idinedeklara niya ang kanyang kinikita hanggang sa pinakahuling sentimo.

Kunsabagay, kahit ano na lang ngayon ay puwede nang ibintang kay Willie, sabi nga ng isang tindero ng buko na nakausap namin ay ang sarap-sarap kasing batuhin ngayon ni Willie dahil kumbaga sa puno ay hitik na hitik siya sa bunga.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

50 thoughts on “Yaman ni Willie Revillame, ‘di galing kay VP Noli de Castro by Cristy Fermin

  1. ayoko ng wowowee lalo na si pokwang ang baduy
    at mas lalo na si willie ..plz lng wag ka na kumanta dni namn mganda ang boses kakarindi

  2. ms cristy, i used to think your credible. now i see that you value,not the respect of your fellowmen, but the money people can give you. sayang po kayo.

  3. WOW NAG REACT ANG TGA SQUATTER

    HEHHEHEHEHHE
    BAKIT NYO MATANGGAP DAMI SQUATTER BRAIN SA MANILA
    ESPECIALLY THE KAPUSO DIEHARD FAN
    WOW DI TALAGA MARUNONG CGURO TITSER NYO SI LAGWARDYA
    HAHHAHAHH
    HAY NAKO
    NAKAKATAWA KAYO
    TALAGANG INGGITIRO
    AKALA NYO MAKASALITA KAYO PARANG SANTO
    SANTOHIN NYO SARILI NYO
    TAMANG TAMA KA KULAFING CRUZ
    GANUN DIN ANG OBSERVATION KO SA MGA KAPALS DITO
    AKALA MO D SILA TUMATAWA PAG MERON NAKITA NA MALI SA KAPWA
    HOY EXAMINE ALL YOUR CONSCIENCE
    MAHIYA KAYO
    SA SINASABI NYO DITO PAGMUMURA AY NAKAKGANDA NG UGALI NINYO
    PLS THINK STR8FORWARD WITHOUT ANY BAD FEELING TOWARD THAT PERSON
    YOU CAN TELL AND KNOW WHAT IT IS
    TANONG KO LNG NANONOOD BA KAYO NG WOWOWEE EVERYDAY SINCE IT STARTED?
    GAYAHIN NINYO ANG AQUINO MARUNONG KUMILATIS
    O CGE MAG COMMENTS PA KAYO DITO
    KUNG AKO SA INYO MAG INVITE KAYO NG MARAMING KASAPI NA KAPAREHO NINYONG MAG ISIP NA PINAKAMAGALING, YUNG MGA PINAKABITTER, PINAKAINGGITIRO AT HIGIT SA LAHAT MGA LOYAL KAPUSO AT MAG RALLY KAYO PAKITA NYO NA SOLID KAYO AT SINCERE SA ADHIKAIN NA PAALISIN SI WILL
    PURO KAYO BUNGANGA
    WLA HIYA KAYO
    SABIHIN NINYO SA PINAKAHARI NYO PARA BIGYAN KAYO NG BUDGET MAG RALLY AGAINST WILL THAT’S A GOOD IDEA I AM GIVIN TO YOU ALL
    SO GO NOW

  4. Nakita ko si Willie kanina kasunod ng sasakyan ko yun blac car nya na WBR ang plate. Lumabas don si Willie at si Mr. M, yun iba di ko kilala. He was wearing a white polo shirt and was all smiles at the guards who greeted him. This is at ELJ building ha.

    Wala lang … parang wala naman balak umalis. Feeling ko magpapahinga lang, magpapahupa ng tensyon. Pero wala na dun kanina yun mga nagrarally for Wowowee.

    Guys, iwasan naman sana ang personal attacks kay Cristy Fermin. Nagsusulat na yan sa industriya malamang nong karamihan sa atin dito eh nasa elementarya o kindergarten palang. Respeto naman nang konti kahit ano pang nakaraan ng tao. Besides, hindi naman natin sya kasama 24/7 para makapagbitaw tayo ng ganong mga mapang husgang salita. Kung guilty man sya sa mga binibintang nyo, bahala na silang magtutuos ng Diyos. Pero wag na tayong dumagdag sa mga mapanghusgang tao dito sa mundong ito. Kaya hindi maka usad usad ang bayan natin.

    Yun lang naman…

  5. Iam calling the attention of all those AGAINST WILLIE, please dont go down to Cristy’s level…you know I think something wrong with her, the way he expressed her thoughts about Willie, oh my goodness…Cristy really puts tremendous amount of effort to cover up the un-invited behaviour of Willie which created insults, hurts or intimidates his contestants, guests and even his staffs. Cristy appears to be a low thinker coz she is having a hard time learning or developing a sense of boundaries between APPROPRIATE and INAPPROPRIATE. Well no doubt Willie is just the same…may kasabihan nga, “tell me who your friends are and I will tell who you are”…so pakiusap po DONT MIND HER…DONT GO DOWN TO HER LEVEL, please! I think she needs help (MEDICAL HELP, i mean). Thank you guys and Chill up!

    • MCM of Dubai: Yes you’re right…bakit nga ba tayo kailangang bumaba sa level ni Cristie…kahit anong sabihin natin di nya makikita ang tunay na kalagayan ng Wowoweee as noontime show…hinding hindi nya makikita ang kapalpakan ni Willie…dahil kung purihin nya sobra sobra…kulang nalang sambahin nya si Willie…simple lang naman matagal na rin syang showbiz reporter…pero hindi patas kung magpahayag…SABAGAY BAKA ANG MGA GANONG GAWI NI WILLIE ANG MAS KATANGGAP TANGGAP SA KANYA…ANG BASTUSIN ANG KAPWA NYA BABAE…

  6. cristy fermin,kung gaano kasagwa pagmumukha mo ganun din bunganga mo,parehas talaga kayo ni bastos willie.may gana ka pang idisplay picture mo sa column mo yukkkkksssss!!!kung makapag-kwento ka tungkol kay bastos willie,parang sya na ung pinaka-disente at pinaka-kagalang-galang na taong na-meet mo sa boung buhay mo,sabagay magkalahi naman kayo e,magkalahi sa kabastusan.confirmed.the record shows.

  7. Ay naku cristy. kahit mamatay ka na sa kadedefend kay willie, sira na talaga siya. At kahit sabihin mo pang hindi kay noli ang yaman ni willie, hindi mo pa rin ako mako-convince. intayin na lng natin ang election k? kita naman sa survey. wla na appeal sa mga tao c noli. dahil alam na ng tao kung ano ang tama at mali. ang bilis naman yata yumaman ni willie. daig pa nga yata niya c manny pacquaio eh. oopps. baka sasabihin mo inggit lang. hay. pag wala na kasi makitang ibang point mga supporters ni willie, sasabihin na inggit lang mga tao sa kanya. paki namin sa buhay niya. nakakain pa naman kami at nakakatulog ng mahimbing na walang guilt, fear o anxiety. ba’t kami maiinggit sa klase ng buhay niya, diba? basta ako, hindi naniniwala na sa kanya lang ang lahat ng yaman niya ngayon. merong tao sa likod niyan. at saka maghanap ka ng ibang topic cristy. kahit d mo isulat c willie, alam namin posisyon mo.

  8. para sirain ang ABS pero di nila ito ginagawa. hays naku report kung report pero siraan hindi.

    Si marian pinaguusapan sa mag shows etech ngDOS at kung sino sino sinisiraan at ginagawan ng isyu.

    SA GMA ba siniraan man lang ba nila si Claudine Juday BEa at kung sino pang mag artist ng ABS nope.

    hays naku. ang saya ng buhay.

  9. Nice one Cristy matalino ka talaga sa pag gawa ng pera alam na alam mo kung sino ang dapat kapitan ang saya saya.

  10. si tita cristy talaga, ayaw mamuhay nang tahimik! Gusto mo talaga yung lahat eh galit sayo no? Pareho ni willie. Well, kung yan ang gusto mo di sige. Di mo naman masisisi ang mga tao, kasi di naman talaga sila tanga. Magkano naman talaga ang talent fee ni willie, plus yung mga sponsors niya? Ba’t biglang yaman siya? Samantalang dapat ang wowowee ay “PARA SA MAHIHIRAP” tapost siya ang yumayaman.Saan napupunta ang mga bigay nang TFC subscribers. Siigurado ko na nakapunta ka na sa yate ni willy pati na mga so called kaibigan niya. Let me tell you something, Napapunta na ba niya ang mga kamag anak nang namatay sa ultra? Mga matatanda, mga disabled at iba pang mahihirap na fan kuno ni willy? Naistima na ba niya ang mga yan at napatuloy sa kanyang mansyon? Di naman sa inggit, ang mga tao eh nakakaobserba nang nangyayari. In other words willy got rich at the poor people expense at sa mga Tfc subscribers na nagbibigay thru this show pero para sa mahihirap.Totoo, ba’t sila Tito, vic @ joey di ganyan?

  11. HINTAYIN NINYO ANG PAGBABALIK NI WILLIE SI NOLI ANG PANGULO AT SI WILLIE ANG VICE SAMANTALANG SI CRISTY AY SECRECTARY OF FINANCE OR CENTRAL BANK GOVERNOR.
    BABALIKAN KAYO NG MAGSYOTANG WILLIE AT CRISTY

  12. Teka! BAKIT DEFENSIVE ANG NON-CREDIBLE GOSSIP WRITER? siguro binigyan din ‘yan ni KABAYAN. tamang tama ang bansag sa kanya. “KABAYAN” “KABA-NG-BAYAN” nampoocha kala mo matino isa rin palang mang-gagancho!
    KAWAWA TALAGA SI WILLIE, NASA KABAN NI KABAYAN!
    TAMA NGA LANG NA KUNIN NA NIYA ANG MGA GAMIT NIYA SA ABS. WALA NAMAN SIYANG SILBI. MANLOLOKO, MANLALAIT, MAPANG-MATAAS, HE THINKS HE’S ABOVE EVERYONE!

  13. AY SALAMAT NAGHAKOT NA ,SANA WILLIE TULOY TULOY NA YAN,HWAG KA NG BABALIK DAHIL HINDI KA NA KAILANGAN NG WOWOWIE,SI CRISTY LANG ANG NANGANGAILANGAN SAYO:NG DATUNG MO ,PERO I DOUBT KUNG BIBIGYAN MO,IKAW CRISTY HWAG KA NG MANGARAP,OBVIOUS NAMAN IKAW LANG ANG REPORTER NA PRO WILLIE KASI PAREHO LANG KAYONG WALANG CREDIBILIDAD ,MAGSAMA KAYONG MGA INGRATA,UNPROFESSIONAL,MAYABANG AT PLASTIC

  14. A SUS PINAPANIWALAAN PA BA NAMAN YANG SI CRISTY…MASARAP LANG BASAHIN DHIL MASARAP TUMAWA …..ATSAKA SI CRISTY FERMIN PA PERA AT PERA AT PERA AT PERA AT PERA LANG YAN …..DIBA SYEMPRE CRISTY !!!KILALA KITA NOH!!!

  15. Alam mo ung nagmumura at nagsasabi ng masamang salita ay alam mo na kung sino. it’s obvious na Kapuso yan. Try to read all the comments here, sa YouTube, Pep.ph at PSN. iisa ang kanilang character. I think ito yung na-grasp nila at natutuhan sa pagiging Kapuso. Again read all there comments, if matalino kang tao U will know wat i mean.

    Im sad na dahil sa pagiging Kapuso nila ay naging ganito ang naging character nila. Pero ito talaga pinamulat sa kanila ng GMA-7. But in some ways, I applaud GMA-7 for this. Kasi sa impluwensya nila sa kanilang mga viewers. Un nga lang di magandang asal but its ok for me. I also like the way they treated there talents. may nabalitaan kayong mga news against kay marian rivera may iilan ang lumalabas pero indi lahat gusto ibalita. Sana ganun din ang Ch.2

  16. pls….pipol
    wag taung gumamit ng msa2mang words
    dhl mas mgi2ng msahol p tau s taong walang pinagkatandaan
    i cant say walang pinag aralan kc may mga taong hndi nkapag aral pero mas mtalino p s may pinag aralan.

    pumuna tau o punahin ntin c cristy/willie at mga taong ayaw
    ntin ng hndi tau dpat gumamit ng bad words.

    god bless!!!

  17. punyeta ka talaga cristy,kung wala ka maisulat kundi about kay willie wag ka ng magsulat. wala ka na bang kilala na ibang artista kundi si willie? sya na ba ang sinasamba mo? kung ipagtanggol mo sya parang walang bahid ng kasalanan sa katawan e!!! mukang pera ka talaga!!!!
    kulang nalang pati pagtae ni willie ilagay mo sa article mo.nakakabwisit ka na talaga! pinoy parrazi mgt pwede ba kung wala ng maisulat si cristy fermin kundi si willie wag nio ng bigyan ng space dito ang impaktang yan

  18. HELLO SA MGA CHICKEN BRAIN DITO,

    SUS NAKAU NAMAN KAYO MGA INGGITIRO TALAGA
    HALANTANG HALATA NAMAN
    KAKAHIYA KAYO
    MOST O FTHE PEOPLE IN MANILA AY HALOS 90% GALING SQUATTER SO ALAM MO NAMAN PAANO MAG ISIP ANG MAG YAN KONTING TSISMIS SASAKYAN KAAGAD WITHOUT KNOWING THE CAUSE
    JUST LIKE MTRCB HEAD SI LAGWARDYA
    KAKAHIYA
    MOST OF THE READERS HAS A CHICKEN BRAIN
    BITTER PEOPLE
    DAMI SA MANILA
    YOU CAN BUY ANYTHING YOU WANT AS LONG MAYPAMBAYAD KA
    YOU KNOW GUYS THOSE PEOPLE LIKE WILL NA MARAMI KILALA CGURO LAHAT NG BANKO MAH OFFER NA KUNG ANO SA KANYA JUST TO INVEST OR WHATEVER BUSINESS
    DI NAMAN LAHAT CASH PAGBUMILI NG PROPERTY MERON COLLATERAL YAN
    SUS ME NAKO PO.
    THINK THINK THINK PEOPLE
    AKALA NYO ANG MGA MAYAYAMAN NAGLALABAS NG CASH MOSTLY UTANG YON WITH COLLATERAL OR MALAKING LOAN
    GANUN KAPAG BANKABLE OR MAGANDA ANG STATUS NG FINANCIAL MO

    HAY NAKO KAWAWA MAG TAO DITO DI MARUNONG MAG ISIP
    MARUNONGLNG SA TSISMIS
    LIKE SA KAKILALA KO HE HAS A NEW PAJERO YOU KNW WAT ANO SABI NG MGA KAKILALA NYA WOW ANG YAMAN MO NAKABILI KA NG PAJERO PERO WITHOUT KNOWING UTANG LNG YON
    HOY MAG ISIP KAYO

    • Your point being….? Wala ka namang sinabing enlightening na di na sinabi ng mga taong nag-reply bago sa iyo…Albert Einstein you’re not. And oh yeah…check your grammar. Your reply is so chockful of grammatical errors that Strunk and White are probably turning in their graves in horror.

      Wag mag-Ingles pag hindi kaya. At huwag magbintang na “chicken brain” (whatever that means) kung halatang ganun ka rin sa reply mo.

    • ANO RAW? CHICKEN BRAIN? LOOK WHO’S TALKING. FAR OUT DIN UNG COMMENT MO. U ARE CHICKEN BRAIN. HAHAHA! ANYWAYS, D KO NAINTINDIHAN INGLES MO MAGTAGALOG KA NALNG

    • PAPI RON…

      Ito namang isang ito, feeling matalino, nag lecture pa sabay sabing 90% ng taga Manila galing squatter…pasado kaba sa History? Anong course mo noong college ka…tama ngang PAPI RON din ang gamit mong name…parehong pareho…kung magmarunong parang talagang alam ang sinasabi…kaya malimit sa tulad nyo pag nagkamali talagang sobra sobra….ARAL KA ULI TO REFRESH YOUR MIND…

    • We are jubilant that we could elicit and stimulate such enthusiasm and fervour in someone like you , who doesn`t even have the etiquette, the fortitude and the temerity to respond to our queries and remarks and acknowledge!
      YOU ARE INDISPUTABLY A WINNER!

      You really made PUBLICITY for you by taking up such a topic, look how many comments you have entertained up to this point!!!! You would be beating the records of others soon! We don`t want to be educated,and it’s pretty obvious that you are the one who needs it!
      Go on, continue posting! This is your moment, ENJOY!
      This is how the “people in manila are squatters” writes and speak fluently!How about you?Chicken brain?LMAO!

      And TO WILLIE:
      REPENTANCE implants a deep repulsion for all things that do not contribute to the growth of a sound soul and to the encouragement of others to faith and decent living. And where stubbornness, filth and the refusal to be corrected are delighted in, the evidence is fatal to REAL HOPE AND REGENERATION.

  19. I wonder why Gabby Lopez is so afraid and beholden to Willie REvillame? He can’t even lift a finger or do a thing about Willie’s numerous shenanigans at his own station.. This Lopez has no “balls”.. That’s why Willie became a megalomaniac and an arrogant a–hole as he is right now

    • Tama ka Sofie, me punto ang tinutumbok mo.. and may I add : Pangit ka na nga sa itsura Cristy Fermin, sana naman pagandahin mo naman ang character mo.. Lalo tuloy naniniwala ang madami dito na galing talaga kay VP Noli ang yaman ni Willie. You have that effect on people Cristy na sobrang negative talaga..Yung aura mo, kapag nakikita ka palang is sobrang off-putting

  20. Willie, HUWAG KA NANG MAGPAPAKITA SA ABS CBN HUH. Pakasal na kayo ni Cristy at manahimik na kayong dalawa sa bundok ha.

  21. OO nga pala, saan mo naman nabalitaan ang mga kuwentong kumakalat na ito Cristy Fermin. Ang alam ko, may nabasa ako dito na isang comment na nagbiro na kay Noli ang yaman at “front” lang si Willie. Ginamit ang salitang “front”. Kaya, Cristy, alam ko, gawa gawa mo lang ito.

  22. Isama mo na rin si RR, Mariel at Pokwang. Nagkakalat ang mga clones mo.

  23. okay, hindi kay kabayan?? eh kanino pala???hehehheeh.. yun nga sa eat bulaga na dun na sila nag sitanda, wala silang ganyang kalaking yaman????si papi! wowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!! milyones!! at nangunguna ha???????? kalokha!! kung sa pag ho- host nakuha.. di sana lahat na lang nmag host!! easy money!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    • agree ako sa ‘yo. wag na ‘ang eat bulaga, si kris na lang, eh di hamak naman na antagal na niya at number one endorser pa siya and to think na mas sikat siya kay willie noon pa pero hindi naman ganyang talamak sa kayamanan. kasi si kris HONEST!

  24. …OI Christy Fermin wag masyadong obvious! ang iyong mga articles ay puro nalang willie revillame. don’t tell me spokesperson ka nya? ikaw lang yata ang nagtatanggol sa hunghang na yan! sakrpisyo ba ang tawag don..ang tawag don trabaho… ano xa santo para puruhin mo ng ganyan parang walang ni katiting na kasalanan..hindi ba obvious na may attitude prob c willie mula sa work hanggang sa personal life he always seen in trouble..don’t fool your readers because we’re not stupid… and please next time write namn credible articles and wag masyadong bias..obvious na kasi eh!!!! only a fool wud believe na hindi galing kay noli ang yaman ni willie..don’t tell me mas mayaman pa xa kina tito vic and joey..impossible!!! haha ..anyways understandable naman yang ginagawa mo christy kasi wala ka nang work so mga sidelines na ganito like protecting willie for friendship (MONEY) so gud luck nalang sa yo

  25. OI Christy Fermin wag masyadong obvious! ang iyong mga articles ay puro nalang willie revillame. don’t tell me spokesperson ka nya? ikaw lang yata ang nagtatanggol sa hunghang na yan! sakrpisyo ba ang tawag don..ang tawag don trabaho… ano xa santo para puruhin mo ng ganyan parang walang ni katiting na kasalanan..hindi ba obvious na may attitude prob c willie mula sa work hanggang sa personal life he always seen in trouble..don’t fool your readers because we’re not stupid… and please next time write namn credible articles and wag masyadong bias..obvious na kasi eh!!!! only a fool wud believe na hindi galing kay noli ang yaman ni willie..don’t tell me mas mayaman pa xa kina tito vic and joey..impossible!!! haha ..anyways understandable naman yang ginagawa mo christy kasi wala ka nang work so mga sidelines na ganito like protecting willie for friendship (MONEY) so gud luck nalang sa yo

  26. nakalimutan yata ni cristy peramin ang tungkol sa smuggled FERRARI ni willie dati..

  27. cristy, bakit nag-iwan pa ng ilang gamit niya. pakisabi kunin ng lahat para wala ng anino ng pagkatao niya sa abs-cbn. kasiraan lang siya sa istasyon. pakisabi mataas ang rating ng mawala siya, di siya kawalan.

  28. TAMA YANG GINAWA MO WILLIE AT KINUHA MO NA YUNG MGA GAMIT MO AT WAG KA NG BABALIK SA WOWOWEE.DAHIL MAS MASAYA ANG TAONG BAYAN NA HINDI KA NAKIKITA SA TV DAHIL WALANG BASTOS AT MAYABANG….SANA WAG MAGING INUTIL ANG KAPAMILYA NETWORK ! ! !

Leave a Reply

Your email address will not be published.