Blind Item: Yaman ng pulitiko, ipinangalan sa sikat na aktres

OLACHIKKA……….MAHULAAN N’YO kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Yes, true ito mga kafatid dahil ang aking friend na naka-base sa Amerika ang siya mismong nagtsika sa inyong lingkod. Ang matagal ko nang friend ang nagsabi sa akin at pinatunayan niya na itong si sikat na actress at isang pulitiko ay totoo ngang may relasyon.Hmmm….Kalerke, ha! Kelan lang ay naging kontrobersyal din sila. Pero itong si sikat na actress ay sanay na talaga sa kontrobersya at ‘pag hindi niya sinasagot, ang ibig sabihin nito sa kanya ay totoo.Laban kayo? Ipinangalan nga kay actress ang ilang yaman ni gwapong pulitiko sa kanya at hindi lang yaman kundi pati ang mamahaling bahay ay ipinangalan din sa kanya. Kaya abot-tenga ang ngiti ni actress ngayon dahil sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng mansyon sa Amerika. Pero, ang totoo lang pala nito ay ipinangalan kay actress ang ilang yaman ni pulitiko upang hindi ito mahabol din ng ilang galamay ng gobyerno. Kaya ang assets ang liabilities nito ay safe, ‘di ba bongga. Ha! Ha! Ha!

Pero bukod diyan ay may lihim rin sila na nag-iibigan noon pa. Ngunit hindi nila ito puwedeng ibunyag dahil itong si pulitiko ay may asawa na rin kaya may sabit nga. Naloka kayo, ‘noh! ‘Kala n’yo si Willie Revillame lang ang dummy? Hindi, noh! Pati itong si actress, dummy rin daw. Ha! Ha! Ha! Tapos, pinapalabas lang nila na itong si actress ay malapit nang ikasal at may malaking bahay sa US bigay ng bago nitong boyfriend na hindi naman totoo. O, nahulaan n’yo na?

by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Blind Item: Yaman ng pulitiko, ipinangalan sa sikat na aktres

  1. Dyosme, old news na naman ba ito? Palaging recycled ang balita ni Tita Swarding. Inuutakan siya nang Parazzi girl niya. Ay, hindi pala, inuuto pala. Paniwala naman ang hitad at saka isusulat at ibabalita sa buong mundo. Tanda na kasi. Parazzi girl, maawa ka naman sa matanda.

  2. Swarding, huling huli ka lagi sa balita, baluktot pa, nadagdagan at nakulangan ang istorya. Binabayaran mo ba ang Parazzi girl mo? Sayang lang. She’s pulling your leg. 2nd hand news ang ibinibigay niya sa iyo. Kapit patalim ka naman para ma meet ang deadline. Tan_nge_ngot.

Leave a Reply

Your email address will not be published.