Yaman, kwestyonable; BoC official ipinasisibak

IPINAG-UTOS NG Office of the Ombudsman ang pagpapatalsik sa isang opisyal ng Bureau of Customs sa Port of Manila dahil sa kwestyonableng yaman.

Lumalabas sa 23-pahinang desisyon ng Ombudsman, nakakalap ito ng sapat na ebidensya para papanagutin si Rafael Mendoza Merencilla, chief customs operations officer matapos malaman ang misdeclaration nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Nabatid na may kanya-kanyang annual income na P449,676 at P176,184 si Merencilla at misis nito, na empleyado rin ng nasabing ahensiya.

Hindi umano tugma ang total assets ni Merencilla sa kanyang kita, na lumaki mula P4,480,000.00 noong 1997 patungong P29,301,380.64 nitong 2009.

Bigo rin si Merencilla na ideklara ang pito nitong sasakyan at hindi bababa sa anim na ari-arian sa Lipa City at Las Piñas. Hindi umano bababa sa 18,535 square meters ang pag-aari nito sa Lipa.

Lumaki rin ang cash-on-hand ni Merencilla mula P30,000 noong taong 1997 sa P9,145,493.04 noong 2009

May discrepancies din ito sa kanyang business interests.

Lumilitaw rin na bumiyahe pa-Amerika, Tokyo, at Bangkok ang Pamilya ni Merencilla.

“…[A]s a public officer (he) has the duty to declare his ownership over his properties as the law requires full disclosure of all (his) assets, liabilities, and net worth,” ayon pa sa desisyon.

Bukod naman sa pagkakasibak sa pwesto, hindi na maaaring magbalik-serbisyo sa pamahalaan at wala na ring retirement benefits si Merencilla.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.