YACHT ROMANCE NG MGA SIKAT

NATATANDAAN PA BA ninyo ang hit American series na The Love Boat which was shown in the country several years ago? The show starred Gavin MacLeod as the ship’s captain. The sitcom was set aboard a cruise liner called Pacific Princess na ang mga passengers at crew ay may mga romantic at nakakatawang escapades bawat linggo. Sikat ang theme song nito which was sung by Jack Jones while the lyrics were written by Paul Williams with music by Charles Fox: ‘Love, exciting and new. Come aboard. We’re expecting you. Love, life’s sweetest reward. Let it flow, it floats back to you.’

Napag-uusapan na rin naman ang tungkol sa romantic cruise, sinu-sino bang mga sikat na celebrities ang may mga nakakakilig na kuwentong pag-ibig on board their own Love Boat?

KC Concepcion and Piolo Pascual recently had a private romantic getaway in Subic. Ayon sa balita, sinundo ni Piolo si KC bago sila tumulak patungong Subic kunsaan may appointment din ang dalaga. Nalaman ng The Buzz na pinili ni Piolo ang Subic Bay Yacht Club because KC is a beach lover.

Nag-bonding sila aboard a yacht while enjoying the romantic sunset. Matapos ang kanilang cruise ay sinorpresa ni Piolo si KC by reserving the Yacht Club Bar just for the two of them. Inside the bar, Piolo made sure that KC’s favorite music videos were played as they spent precious time together. Hinayaan daw ni Piolo si KC na mag-mix ng kanilang drinks dahil ito ang isa sa mga favorite hobbies ng aktres.

JUSTIN BIEBER LOVERS will surely get jealous at mapapa-‘Baby, Baby, Baby ohh… I thought you’d always be mine, mine’ while clutching their broken heart kapag nakita nila ang mga sweet moments ng singer kasama si Selena Gomez sakay ng isang yate in St. Lucia. The photos were even uploaded sa YouTube for everyone to feast their eyes on.

Justin and Selena recently made their first public appea-rance together at the 2011 Vanity Fair Oscar party. So are they an item or not?

JACKIE KENNEDY MARRIED Aristotle Onassis on October 20, 1968 in an intimate Greek Orthodox ceremony on the private island paradise of Skorpios na pag-aari ng billionaire shipping magnate. Ang pagdiriwang na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga kaibigan ay idinaos sakay ng family yacht na Christina which was named after Ari’s daughter.

THE LATE PRINCESS DIANA was the most photographed woman in the world. Diana and Dodi Al-Fayed had met at several parties. Noon daw July 1997 ay inimbitahan ng kanyang ama sina Dodi, Diana and her children para sa isang Mediterranean cruise on his luxury yacht. Dito raw lalong nagkalapit ang kalooban ng dalawa.

Makalipas ang dalawang linggo, Dodi and Diana had another six-day trip. Dodi’s father owned a villa in St. Tropez, pero gaya ng inaasahan ay hindi nakalusot sina Diana at Dodi sa mga malilikot at alistong mata ng paparazzi. Armed with giant telephoto lenses, they took photos of the two in their romantic moments at the villa and on deck.

KUNG SI ROBBIE WILLIAMS ay nagkaroon ng short romance with Nicole Kidman on her yacht in summer 2004, nagpakasal naman si Rod Stewart sa kanyang pangatlong asawang si Penny Lancaster on board the yacht Lady Ann Magee moored in the Italian port of Portofino.


Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “YACHT ROMANCE NG MGA SIKAT

  1. Nakakakilig talaga kapag ang romance eh nangyayari sa mga di pangkaraniwang lugar tulad ng yacht. This is a good topic for ***p://pinoypub.ph” rel=”nofollow”>tagalog romance novels!

  2. Pingback: YACHT ROMANCE NG MGA SIKAT | Club Yacht

Leave a Reply

Your email address will not be published.