Xian Lim, ready nang magpa-sexy?!

CONSERVATIVE TYPE OF girl ang gustong ma-ging girlfriend ni Xian Lim. “Very conservative kasi ang parents ko pati na rin po ako,” say niya.

Oozing with sex appeal ang binata nang first time namin siyang mapanood sa teleseryeng Sabel. Ang tingin sa kanya ay sexy kaya nag-i-expect ang karamihan na sa Binondo Girl at Sparkda Trip na more daring ang ipapakita niya.

“Actually, ang pinaka-sexy kong pictorial ay ‘yung sa Mint. I’m wearing denim, may pagka-revealing ang skin ‘yung pictorial. ‘Yung pagpo-project parang kakaiba pero I think for now, hanggang du’n lang muna. Boxer short with T-shirt dahil hindi pa ako ready, maybe soon… sa soap, hindi ko pa alam kung may mga sexy scenes ako,” casual na sabi ni Xian.

Palibhasa guwapo, matangkad at malakas ang sex appeal ni Xian kaya pinagpapantasyahan siya ngayon ng mga kababaihan, aware ba naman ang binata? At saka, marami ring magagandang comment sa Twitter tungkol sa kanya.

“Wow naman, nakakatuwa! Sa Twitter kasi, nag-Showtime ako, ang daming supporters. Well, kakabukas ko pa lang noong nag-Showtime ako, ang daming supporters. Wala naman masyadong negative pero may kaunti. Pero hindi naman maiiwasan, but supportive naman sila and I’m happy.”

Sinasagot ba naman ni Xian ‘yun mga tweet ng kanyang mga supporters? “I try to reply to everyone, pero ang hirap kasi, once na mag-tweet ka, magiging one hundred mention na. So, I’ll try to reply to everyone pero ‘yung iba naman masasabi nila dahil hindi nila maiintindihan na hindi ko nakikita ‘yung tweet.”

May pagkakataon kaya na may mga matrona at bading na nagparamdam kay Xian? “Yeah! Their showing their support. More on support parang… ‘Xian, I love you!’ parang ganu’n lang,” simpleng sagot ng binata.

Ano ‘yung eksena ninyo ni Vice Ganda sa Showtime na ikinatuwa ng manonood? “We’re making people happy. Natutuwa naman ‘yung mga tao sa tandem naming dalawa lalo na sa show, lalo na sa concert niya.”

May kulang ba para maging daring si Xian on-screen? “Comfortable ako pero not now. Wala namang kulang maybe, I am waiting for the perfect time. Mararamdaman ko na sigu-ro ‘yun, ‘eto na ‘yung time na ‘yun, maybe.”

Kung sakaling magpaka-daring na nga si Xian, hanggang saan ang puwede niyang gawin? “Hindi ko pa masasabi. Maybe when the time comes masasabi ko na. Pero ngayon, so far, ayaw ko namang magsalita ng tapos. Sa ngayon, wala pa sa plans ko. Parang  Mint pictorial ko ngayon, denim topless. Maybe that’s far I can go ngayon.”

Lovelife? “Wala nga, kasi sayang ‘yung opportunity na ibinibigay sa akin. Ang personality ko, homebody ako. Mas gusto ko tutok na lang ako sa work. I like to play piano. Doon na lang ako sa mas importante ngayon, kasi marami pa namang time. If ever magkaka-girlfriend ako, gusto ko ‘yung conservative type.

“Mahilig akong mag-pick-up lines lalo na sa YouTube. ‘Yung YouTube channel ko kasi, kakagawa ko lang, so  du’n ko nilalagay ‘yung pick-up lines ko. Maraming nagre-reply at galing sa puso ‘yun. Kasi, ‘yun ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako… galing sa puso ‘yun,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Xian Lim, ready nang magpa-sexy?!

  1. “Oozing with sex appeal ang binata nang first time namin siyang mapanood sa teleseryeng Sabel. ”

    —> correction dipo sabel ang una sya nakita at wala po sya sa teleseryeng sabel :) baka sa katorse po ang ibig nyong sabihin :)

  2. alam ko talaga basketball player siya dati sa san beda ba yun, or san sebastian? basta sa NCAA..nag-artista na..sayang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.