Xian Lim, todo ang push kay Kim Chiu para mag-level up

MAY push talaga si Xian Lim kay Kim Chiu para mag-level up ang dalaga. Iba talaga ang nagagawa ng tunay na pag-ibig tulad sa kaso ng KimXi.

Xian Lim and Kim Chiu

Kim Chiu riding a motorbike

Ang alam ko, Xian is a very active person. Kung anu-anong sports ang kinabibilangan niya. Nand’yan ang basketball (na first love) at biking na nalalaman ko na lang sa kanyang photo posting sa kanyang Instagram account.

Sa case ni Kim na sa unang tingin mo pa lang ay tila very fragile at tamad na mapasabak sa sports, sumali ang dalaga reacently sa duathlon na paandar ni Gerald Anderson for his birthday.

Now, bukod sa running at biking, very “macho” ngayon ang hilig ng dalaga at dahan-dahang nag-aaral para matutong mag-motorbike, na para sa amin ay napaka-delikado.

Sa katunayan, ang motocross na sports ay very masculine na para sa amin ay parang delikado for Kim. Pero si Xian, as expected, ay all-out ang suporta sa dalaga.

Sa kanyang posting, Kim is very thankful sa kanyang “tweetie boyfie” (sino pa ba?) na until now ay ayaw pa ring kumpirmahin verbally ng dalawa, na siyang nagturo at umaalalay sa kanya.

Kung maaalala n’yo pa, noong nakaraang Valentine’s Day, bukod sa flowers ay niregaluhan ng mountain bike ng binata ang dalaga para i-push ito sa sports na paunti-unti ay natutuhan ni Kim.

Sa totoo lang, ang tiyaga ng binata na umalalay sa dalaga.

I just don’t know kung si Kim ay marunong ding mag-basketball, kung saan magaling sa larong ito ang binata.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.