Xian Lim, titingnan na lang ang sarili sa salamin kaysa gumawa ng video scandal

Xian Lim, titingnan na lang ang sarili sa salamin kaysa gumawa ng video scandalAyon sa bida ng TV series na The Story of Us, naaala pa niya ang panahong nasangkot din ang pangalan niya sa pagkakaroon ng mga video scandal sa internet.

“Nu’ng time ko, hindi naman ako ‘yun! Napagkamalan lang ako,” natatawa niyang pagbabalik-tanaw.

“Pero grabe ’yon, ha? Talagang pinag-usapan din,” pagre-recall niya.

“Pero hindi naman ako umabot sa ganu’ng punto. Panatag naman po ako dahil hindi naman ako umaabot sa ganun. Hindi naman po ako pa-pornstar level. Hahahaha!” diin pa niya.

Ayon pa kay Xian Lim, kailangan din daw na maging aware at mag-ingat ang sinuman lalo na ang mga artista pagdating sa ganu’ng bagay.

“Nakatatakot lang talaga ang mga ganyan. Dapat aware talaga ang mga tao especially with the camera we have. Ang dali ring ma-hack,” babala pa niya.

Tahasan din niyang itinanggi na hindi siya gumagawa ng private video sa kanyang cellphone o laptop.

“Hindi na, mamaya, puwede namang tumi­ngin na lang ako sa salamin. Ire-record ko pa ba sarili ko? Hahahaha! Hindi na!” tanggi pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleElla Cruz, kasama sa “Throwback” music video ni Dawin
Next articleMaria Ozawa, matapos aminin, todo-tanggi naman ngayon na nag-sex sila ni Cesar Montano

No posts to display