Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa Kanya

ALEXANDER XIAN Cruz Lim Uy, isang Chinese-Filipino model at actor, at kilala sa screen name na Xian Lim. Isang kilalang varsitarian ng University of the East na kumuha ng kursong management. Isang contract artist ng Star Magic. Gumanap bilang supporting role sa Rubi at noong 2011, bida sa My Binondo Girl, kasama si Kim Chiu.

Whoa! Ipinag-celebrate ni Xian Lim ang kanyang kaarawan sa McDonald’s sa ABS-CBN noong July 10. Hindi maisalarawan ang kanyang katuwaan na parang bata, lalo’t napalibutan siya ng mga mascot ng McDo sa presscon-birthday niya. ‘Andoon ang mga mapalad na nagwagi ng mamahaling relo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P25,000. Kaya masaya ang mga nagsipagwagi.

 

TUMANGGAP NGA BA NG MGA GADGET SI XIAN?

Alamin natin at tuldukan ang isyung ito, ang walang gatol na sagot sa masalimuot na isyu sa modelong actor. ‘Yung mga fans mo ba ang nagbibigay sa ‘yo ng mga laptop, gadgets, etc. Malutong na, “Yes, generous po sila. Their way to say… for me to say na mahalaga rin sila. Kasi noong sa States po ako, eh, ‘di ba sa Pilipinas ‘yung mall shows, iikot po kami. So, nakita ko talaga ‘yung support nila. Airport pa lang, may tarpaulin nang dala, tapos kasi halos mga two weeks kami. Siyempre roon sa mga tour namin abroad, ayun nagbibigay sila… ng lahat ng kailangan ko, hehehe! Hindi na ako nag-shopping.”

Dagdag pa niya hindi ‘yun bigay kundi sila ang nagsi-set-up ng mga event. “Katulad noong pumunta kami sa LA (Los Angeles), ni-rent nila ‘yung  buong ballroom ng hotel. Feeling ko, ‘yun talaga ‘yung effort na ibinibigay.”

‘Yun naman pala, eh! Ang kapalit eh, may mga events naman pala siya mula sa mga events organizer. Tingin ko lang, hindi niya ipagpapalit ang umuusbong na career niya sa ganoong mga isyu.

TOTOO BANG GINAGAMIT LANG NIYA SI KIM CHIU?

Tungkol naman sa kalagayan nila ni Kim Chiu, totoo naman kaya na napabalitang ginagamit lang niya si Kim Chiu at nakiki-ride-on lang siya rito?

“Ah, hindi ko naman kontrolado ‘yung mga sasabihin ng mga tao. We’re all entitled to our own opinion at saka gusto ko lang talagang magpasaya ng tao. Ako, I’m happy writing my songs. Hindi naman ako nandito para manggamit ng tao. Para sa akin, ang mentality ko lagi lang akong masaya.”

Mukhang top selling nga naman sa astro vision at sa twitter gold ang kanyang album.

“Kasi pag iniisip ko ‘yung mga ganon, parang magiging awkward, parang magiging parang planado na ‘yung mga galaw. We’re taking our time, wala namang pagmamadaling nangyayari.”

Speaking of Kim-Xian loveteam, sila ang nanalo sa Yahoo! OMG! Awards recently.

 

ISYU NIYA KAY VICE GANDA?

“Hindi po ako palalabas, sa bahay lang po ako. Hindi ako nagba-bar. Even with friends, sa bahay lang.”

Ah, marami kang gay friends, especially mga fans. “Hehehe! Oo, naman, marami ako ‘nun.”

Nabanggit ang tungkol sa issue with Vice-Ganda noong lumalabas pa siya sa Showtime bilang hurado, at klinaro naman niyang may respetuhan naman sila sa show. “Siyempre sa pag-aartista natin, p’wedeng bad or good, publicity ‘yan.”

Minsan napipikon ka rin ba sa mga tanong nila? “Ah hindi naman. Ah, hindi ako pikon, marami akong natututunan. But ah, ang rebelasyon eh, siyempre, it turned out to be good. Masaya lahat.

“Ah, kung sa mga sabi-sabi lang ‘yan, ‘yung mga hearsay hindi ako made-depress kasi p’wede kong gamitin ‘yun eh, p’wede akong matuto roon sa mga narinig ko, eh.”

Prangka ang binata, hindi dahil sa lumalaki na ang ulo niya. Matangkad, magandang lalaki, marunong sumagot at friendly. Malayo ang kanyang mararating sa larangan ng showbiz.

 

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.  Email orobiakpp@yahoo.com  Cp.09301457621

 

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Maestro Orobia.

loading...

22 thoughts on “Xian Lim, Nilinaw ang Tatlong Isyu sa Kanya

  1. khit anung paninira sau xian basta alam nmin ang totoo at kilala ka nmin nd cla magtatagumpay lagi ka nmin ipagtatanggol sa mga bitter at inggit

  2. EWAN PANAY KASI ANG PARINIG NYAN SA MGA FANS NYA NG MGA THINGS NA GUSTO NYA BEFORE GOING TO US! NAKAKAHIYA !  PARANG  HINDI NYA KAYANG BILHIN! FEELING KO KURIPOT YAN ,LAHAT NG GUSTO NYA LIBRE ! INGGGAT KIM ,FEELING KO GINAGAMIT KA LANG NYA,BADING DIN DAW YAN EH LIKE MAJORITY OF MALE STARS NG ABSCBN.

  3. yang juicy na yan puro paninira lang ata alam para sumikat din mga artista nilang mga nilalangaw…walang kwenta tlaga programa ng tv5…maging patas nman kau puro paninira alam nio…

  4. punong puno na ako s juicy,puro mga inggtera…lalo na ung dalawang mataba dun na pangit c shalala at cristy…kung pwede lang pasabugin ung juicy..

  5. Tularan  sana ng ibang writers si  Master Orobia in taking the high road sa pagsusulat  and  clearing  issues na naibabato sa mga artists  rather than spin them, adding to the already existing controversies na wala namang factual basis.   Uunlad ang showbiz industry kung mangyayari ito.  

    There’s some light at the end of the tunnel!  Thanks Master Orobia for taking down Xian’s responses  and putting down your positive take on it. Marunong naman talagang sumagot si Xian, noon pa. Again, salamat.  

  6. well sa totoo lang di malayo na magustuhan siya ng mga Chui’s family good looking, humble, may breeding at di siya mayabang bagay kayo ni Kim talaga at alam ko lagi ka niya depend sa mga nega . Di ko lang maisip bakit nega sila kay KIm eh si Xian ang nagpapasaya kay KIm keysa kay ungas nagbigya problem sa kanya . Si kim is very happy with Xian no stress at since naging sila KIMXI lalo sexy ni KIM at lalo siya gumanda menaing hiyang siya kay Xian then sa ex ni Kim na sobrang hambog at off ca iba ang ugali niya at may bipolar na yata iyan I dont trust sa mga sinasabi niya pa iba iba ha ha .

  7. Xian Lim you are a cut above the rest… Never pa akong nadisappoint sa mga answers mo during interviews. It only shows you are mature, educated and smart. Kudos to you Mr. Writer continue writing based-on-facts articles

  8. It is clear that Xian is not what nega write ups is all about.. And He has mature to take things in stride… Malayu pa marating mo Xian.. At your age you are extremely unique from the new up coming stars.. KEEP it up..!

  9. iba talaga pag kaharap at makausap si Xian kasi makikita mo talaga kung gano siya kabait,educated,smart & witty pang sumagot,thank you Maestro Orobia at may natira pang matino gaya mo dito sa Pinoyparazzi hindi gaya ng ibang writers na sila na mismo nag iimbento ng isusulat nilang kanegahan kay Xian.sana marami pang kagaya mo Maestro…more power!

  10. Himala! Mayroon pa lang matino na writer ang Pinoy Parazzi! Ikaw lang talaga Maestro Orobia! Maraming salamat sa true article na sinulat mo. You really tried to get the facts. Mahal namin si Xian! Gyera kon gyera, we will support him all the way, come what may! SALAMAT! More power to you!

    • oo nga tama si Jona Santos, at matinong writer ito si Maestro Orobia! Ang ganda ng write-up nya for Xian Lim. THANK YOU MAESTRO OROBIA! nag-iisa kang matina at professional na writer, Bravooo!

      • oo nga tama si Jona Santos, at matinong writer ito si Maestro Orobia! Ang ganda ng write-up nya for Xian Lim. THANK YOU MAESTRO OROBIA! nag-iisa kang matino at professional na writer, Bravooo!

  11. Wow this is certainly new! Parang first time to read something GV from this site on Xian. Sana lang marami pa kayong ganitong articles that spread positivity para naman mas maraming tumangkilik at ganahang magbasa. I am also a globie and does not believe in trashy reporting. I hope more writers here will use more intellect in writing. Nakakasawa na kasi ang mga paninira na puro naman baseless may maisulat lang and create buzz. Readers are intelligent and can discern on what is truthful and what is not. Thanks Maestro, you’ve earned my respect.

  12. Thank you maestro Orobia for taking time to ask Xian personally about those issues. It showed your journalistic essence. I am a globie here in Washington DC. We are supporting all the way Xian Lim. We don’t mind flying / driving just to see him personally. We don’t mind giving him things, because we love, we care for him very much. He did not ask anything from us, we just give because we care. We know the truth, so negative write-ups don’t bother us, sa totoo-o lang., lalong napamahal namin ang batang yan. Parang stress reliever galing sa hospital or galing sa school. Yes, you are correct , with his humility & positive attitude he will go a long way. God bless you & your family! God bless Xian Lim.

    • NAKOW! DI NAMAN ‘YAN TINANONG NI OROBIA… IBANG MGA WRITERS ANG NAGTANONG NYAN AT SINALPKA LANG NIYA SA KANYANG WRITE-UP… KUNG WRITE UP NGANG MATATAWAG YAN… DYUSME, GALING LANG YAN SA TAPE RECORDER, DI NAMAN NYA TALAGA NA-INTERVIEW SI XIAN! I KNOW CAUSE I WAS THERE…

Leave a Reply

Your email address will not be published.