Parazzi Chikka: Xian Lim, naka-iskor na ng Fil-Am?

Hindi pa man naipapalabas ang TV remake ng “Katorse”, ang pelikulang nagpasikat kay Dina Bonnevie, napupukol na ng intriga ang isa sa mga leading men dito na si Xian Lim. Hindi pa naman ganon ka-kilala ang young model-athlete. Isa siya sa mga bagong talents ng Star Magic (Batch 16) na lumabas sa Your Song Presents: My Only Hope. May natanggap na e-mail ang Pinoy Parazzi na puro kasinungalingan daw ang mga sinagot ng young athlete sa isang interview sa isang showbiz website. Nang tanungin kung may karanasan na siya, sinabi nitong conservative daw siya kahit na sa US siya lumaki at dapat daw i-preserve ang virginity niya para sa kanyang mapapangasawa. Ni hindi pa nga raw siya nakahalik! Idinagdag pa niyang nagkaroon siya ng relationship sa US pero fling lang daw ‘yon, huh!

May nag-react sa sinabing iyon ng hunk model. Kilala raw niya ang dating karelasyon ni Xian Lim at tumagal raw sila ng apat na taon kaya hindi raw makapaniwala ang aming source na virgin pa nga itong si Xian. Nangako pa raw siyang magiging faithful siya sa girl kahit na lumipad na siya dito sa ‘Pinas. Pero, pagdating niya dito, si Erich Gonzales, ang co-star niya sa Katorse, naman daw ang nililigawan niya. Napapabalitang may nililigawan rin siyang girl sa school nila, huh! At nagkaroon daw sila ng relasyon ng isang PBB teen na si Valerie Weigmann. Sino ba talaga, kuya?

Well, mga kaparazzi, ‘eto ang mga pictures galing sa aming source kung saan sweet na sweet si Xian at ang dating PBB teen na si Valerie. Kayo na ang humusga!

Parazzi Chikka
by Faith Salazar

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Xian Lim, naka-iskor na ng Fil-Am?

  1. hay naku ambisyoso ang Xian Lim na ito. He is such a horndog. Sana huwag magpaloko si erich Gonzales dahil masasaktan lang siya sa kasinungalingan ni Xian Lim.

  2. ay naku. ilusyunado ang xian na yan. kala mo kung sinong gwapo. well, gwapo naman. pero nakakasuka ang ugali. totoo, naging sila ni val after pbb. totoo, nililigawan nya si erich. totoo, may long time gf sya sa us na iniwanan na lang dahil gusto mag-artista dito. yukkkk!!!

    user-friendly ang th na ito. ewan lang kung magpaka-tanga naman itong si erich.

Leave a Reply

Your email address will not be published.