Xian Lim, mayabang pa rin ang dating

Xian-LimMARAMI TALAGA ang nayayabangan sa pagdadala ng personality ni Xian Lim, kaya sa showbiz ay marami pa rin ‘yung nahihiwagaan sa tunay niyang ugali. Mayroon naman siyempreng mga nakakakilala sa tunay na ugali ng guwapong actor na nagtatanggol sa mga kumokontra at naaangasan sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi siya sobrang nagpapaapekto sa mga ganitong isyu, dahil kahit naman si Xian ay nagsasabi na nu’ng pasukin niya ang showbiz ay kabado rin siya kung magkakaroon siya ng maraming kaibigan.

Nangyayari na sa career ni Xian ang mga pinapangarap niya noon. Ang una kasi niyang gusto ay mapansin sa sports na kanyang hilig. Pero mahirap talagang pagsabayin na habang nag-aartista ka ay mayroon ka pang ibang patutunayan. Mas pinanindigan muna niya ang pag-aartista, at kahit nahirapan din siyang mapansin, nararating naman niya ang popularity na hindi niya sobrang inaasahan na magiging ganito kabongga, lalo na nu’ng maging ka-loveteam niya si Kim Chiu.

Mabentang product endorser ngayon si Xian. Wala na rin siyang pahinga sa paggawa ng pelikula. Nu’ng selebrasyon ng “Ala Eh, Festival” sa Batangas, ipinangalandakan na ni Governor Vilma Santos-Recto na makakasama niya si Xian sa bago niyang pelikula sa Star Cinema. Hindi ipinagyayabang ng guwapong actor na magkakasama sila ng Star For All Seasons sa nasabing project, pero tuwang-tuwa siya kung iyon ay matutuloy na nga.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

8 thoughts on “Xian Lim, mayabang pa rin ang dating

  1. How did u know his mayabang, he was born & raise in USA, talaga they act like mayabang, they just the way they are??? Ikaw author how did u know his mayabang he’s american breathe???

  2. #kriSTD, hey you gago, how do you know that he got 20, Diba ogie diaz said 32 takes?? He did an intl gig for paddington bear, it only took him 2days to dubb the movie, Nicole Kidman is the lead actress???

    • hahahah eh bumalik na lang siya sa tate,, ipag patuloy na nilang niya ang pagiging parlolista dun hahaha eh Pamintang Durog naman siya eh,,,dun wala ng papansin sa kanya,,,

  3. hahahah bwhahahaha ang Pamintang BANO sa akting bwhahahah hina HYPE lang ang career, hayy ….. si Ate VI na isang award winning aktres at isang haligi ng Industriya,,makakasama sa isang pelikula ang isang Banong umarte. kung sa serye nga ng Dos naka take 20 ang pamintang yan..sa Pelikula pa kaya,,hahahah sure ko kung sino man ang Direktor niyan ma Hi HIGH BLOOD hahahah

    • BANO BA KAMO???…familiar yan ah,,si marian ba pinagsasabi mo? hahahhaha,,,mkabano ka kala mo calibre actress ang idolet mo kulelat queen naman,,inggit ka kasi si bano queen di pa nakatrabaho ng primyadong actors,,,eh si bano king naman na dingdong ganun din,,,tama lang na king and queen sila ng GMA,,,hahhah,,hari at reyna ng mga bano sa acting!! hahahhahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.