Xian Lim, mananatiling Kapamilya kahit umalis na ng Star Magic at pumirma ng kontrata sa Viva

XIAN LIM

MARAMI ANG NAGULAT sa biglaang pagpirma ng kontrata ni Xian Lim sa Viva Artists Agency (VAA) kaninang hapon, Jan. 23 sa opisina mismo ng Viva sa Ortigas. Pero bago ang kanyang pagpirma ay naging pahulaan sa social media kung sino ang artistang tinutukoy na aalis ng Star Magic at lilipat ng Viva.

 
In fact, during the contract signing ay nag-trending pa si Xian sa Top 3 spots sa Twitter at talagang pinag-usapan ng netizens.
 
Ayon kay Xian, naging okey ang paghihiwalay nila ng Star Magic and he only have good words for them. Kahit nasa Viva na ay nilinaw ng binata na mananatili siyang Kapamilya at nasa ABS-CBN pa rin daw ang kanyang loyalty.
 
Nakapaloob sa five-year management contract na pinirmahan niya sa Viva ang 10 pelikula na nakatakda niyang gawin pati na ang pagre-record ng bagong album.
 
Excited si Xian sa kanyang bagong bahay at sa pagkakataong makatrabaho ang ibang Viva talents tulad nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Bela Padilla, James Reid, Nadine Lustre at marami pang iba. Sana raw ay tanggapin din ng iba niyang supporters ang kanyang naging desisyon.
 

Xian Lim signs a contract with VAA

 

 
Eh, what if offeran siya ng GMA7 ng teleserye now that he’s with Viva?
 
“As I’ve said po nasa ABS-CBN pa rin ang aking loyalty. Parang di ko pa po naii-magine na magtatrabaho ako sa ibang network. Pero siyempre po pag-uusapan pa rin namin yon ni Boss Vic at Ms. VR (Veronique) del Rosario,” komento ni Xian. 

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

1 thought on “Xian Lim, mananatiling Kapamilya kahit umalis na ng Star Magic at pumirma ng kontrata sa Viva

  1. Sana nabawasan na o nawala na ang pagka-maldito attitude niya kaya nabawasan ang may ningning na sana na career niya. Tama ba, Gov. Joey Salceda at Kim Chiu kalokalike Charmae Viking?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.