Xian Lim, lumabas na cheap sa pagpapa-raffle ng stuffed toys sa crew ng pelikula

Xian-LimPHOTO FINISH ang filming ng Bride For Rent ng Star Cinema, still in its continuing celebration of its 20th year. Nito lang kasing Martes ng umaga natapos ni direk Mae Czarina Cruz ang pelikula that stars Kim Chiu and Xian Lim.

Ayon sa cast, halos araw-araw ang kanilang shoot, even working double time during the recent holiday season.

Sa katunayan, mismong si Xian ang nagkuwento sa presscon ng BFR na para pasayahin ang staff and crew ng production na nataong Pasko, he and Kim had to raffle off some items. Kim parted with several ghizmos, while guess kung anong nakakalokang item ang ipina-raffle ng leading man ng aktres?

Sirit? Stuffed toy!

Yes, you read it right, stuffed toy na ewan kung ilang piraso at kung gaano kalaki ang paraan ni Xian to bring joy to his co-workers! Nagkabatuhan tuloy kami ng makahulugang tingin ng mga katabing reporter sa Dolphy Theatre. Hindi sa minemenos namin si Xian, but raffling off such items was unlikely, if not downright cheap.

Anyway, makahulugan ang Bride for Rent para kay Direk Mae as it’s her last film before she gets married this year. As for the mahaderang Wilbur of Star AdProm, “Magaling dito si Kim, in fairness. ‘Di ba, hindi naman talaga siya magaling umarte, pero bagay na bagay sa kanya ang movie.”

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Xian Lim, lumabas na cheap sa pagpapa-raffle ng stuffed toys sa crew ng pelikula

  1. nyahahahahah buti nga hindi niya sinama yung mga barbie doll niya hahahahha,,,,,Ronnie,,,por dies porsiento hindi pa ba kayo nakakahalata kay Xian Lim,,,,,,,wala ba kayong dalang mga gaydar,,,hahahahha

Leave a Reply

Your email address will not be published.