Xian Lim, leading man ng American singer na si Zana Deeper sa music video


Xian-LimNAPANOOD NA ng ibang fans and supporters ni Xian Lim ang music video ng American singer na si Zana para sa kanta niyang Deeper, kung saan ang actor ang featured artist. Proud ang fans ni Xian dahil may international music video ang idolo nila na puwede na ring mapanood sa YouTube.

I-search n’yo lang ang “Zana Deeper – Feat. Xian Lim” sa YouTube para makita ang kabuuan ng MTV.

Lutang na lutang ang kaguwapuhan ni Xian sa music video at bagay sila ni Zana. May scene din na parang “naglalampungan” sila sa kama ni Zana at cute naman itong lumabas.

Nu’ng nakaraang Holy Week pa nag-shoot si Xian for the music video habang nasa Los Angeles siya.

“He had a few days na free kaya siniksik na namin ‘yung video shoot niya on his free days sa US,” sey ng handler ni Xian na si Gidget.

Kailangan daw ni Zana ng leading man for his latest song na Deeper. Nag-send ang handler nito ng portfolio ni Xian at na-approve naman kaagad ang actor kaya siya ang naka-partner ni Zana sa music video.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleOzu Ong ng Masculados, buhos ang pakikiramay sa pamilyang naiwan
Next articleAlden Richards at Yaya Dub, parehong na-reject sa PBB

No posts to display