Xian Lim, kinarma?

Xian-LimXian-LimNAKAKALOKAH DIN ang ibang fans talaga, ‘no? Kahit kinokorek mo na nga ang isang tsismis, pagagalitan ka pa nila. Kesyo tigilan na ang pangtsitsismis sa idol nila.

Tulad na lamang ng ilang fans ni Xian Lim. Kinorek na nga namin na look-alike lang ni Xian ‘yung kumakalat na retrato kung saan hawak-hawak nito ang kanyang birdie habang nagse-selfie.

So, sinabi na nga namin doon na kamukha lang ni Xian, pero ang pagkakaiba, merong nunal sa pagitan ng patilya at kuntil ng tenga si Xian, samantalang ‘yung sa look-alike ay walang nunal.

Pero ang ilang fans, mumurahin ka pa at isusumpa ka pa nila.

Kaya nga ‘pag hindi matibay-tibay ang sikmura mo sa social media, bibigay ka, eh.

Pero kami, sanay na.

Lagi na lang naming isinasaksak sa utak namin na, “I can’t please everybody.”

 

ANG SABI naman ng iba, “karma” daw. Kasi daw, nabastos at hindi naipamalas ni Xian Lim ang pagiging gentleman nu’ng sinorpresa siya ng look-alike ni Kim Chiu. Na para raw itong me nakakahawang sakit at hindi man lang hinawakan sa braso (on air) at inokray pa sa spiel.

Well, kahit kami, naawa sa look-alike ni Kim at gusto namin itong yakapin para mabawasan man lang ‘yung pagkapahiya niya sa naging gesture ni Xian. Pero tapos na ito, nagkapatawaran na. Ang mahalaga, may natutunan dito si Xian Lim. At aminado naman ang binata na nagkamali siya.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Xian Lim, kinarma?

  1. npanood ko nga ung maalaala mo kya nia with bangs garcia.prang nandidiri xa k bangs kya..my episode dun nung nasa incubator ung baby nila.. nagsosorry xa sa babae nun kc nga nahuli xa nambabae,pro prang diring diri xa k bangs,ni hindi nia mnlng mahalikan,ni hindi dumikit ung muka nia sa muka ni bangs..heheh

    • nyahahahahah nandidiri talaga yan sa babae hahahaha Bakla yan as Pamintang Durog hahahahha,,,,pa HUNK lang yan ka federacion niya sina Enchong, piolo,,,,hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.