Xian Lim, kapansin-pansin ang paglaki ng ulo!

TAPOS NA kina Dennis Trillo at Bianca King ang linyang getting to know each other kahit hindi pa nila diretsong inaamin na mag-dyowa na nga sila. Kung anuman ang totoong namamagitan sa kanila, bigyan raw natin sila ng privacy. Ang pagiging private person, sophistica-ted at pagiging straight forward ang nagustuhan ni Dennis kay Bianca.

Katunayan nga, na-meet na ni Bianca ang anak ni Dennis na si Calix. Agad raw naging malapit ang dalawa sa isa’t isa na ikinatuwa ng binatang ama. May tsikang boto raw ang parents ng dalaga kay Dennis kaya walang magi-ging hadlang sa kani-lang pag-iibigan. Personal pa nga raw na ipinakilala ni Bianca ang actor sa kanyang mommy. Maging ang mga close friends at relatives ng actress ay na-meet na rin ng actor.

Siyempre, hindi maiiwasang mapag-usapan ang tungkol sa ex-girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado. Ayon sa actor, okay na raw silang dalawa kahit hindi pa sila nagkakausap. Gusto niyang tahimik na buhay na walang kinikimkim na sama ng loob sa kapwa. “Hindi ka makapagtatrabaho nang maayos. Hindi mo magagampanan ang kailangan mong gawin habang may dala-dala kang poot sa ‘yong dibdib. Pareho na kaming nakapag-move-on. May kanya-kanya na kaming sariling buhay. I’m happy for Jenny, masaya siya with Luis (Manzano),” say ng actor.

Inamin ni Dennis na totoong minahal niya si Jennylyn pero dumating sila sa point na kailangang maghiwalay. Wala nga lang closure ang kanilang love relationship kaya naging maintriga. Hindi nga raw sila para sa isa’t isa kaya nangyari ang hindi dapat mangyari. Ang importante raw, nagmahal sila kahit panandalian lamang.

Kung sakaling may project na magkakasama sina Dennis at Jennylyn sa TV or pelikula, willing pa rin ang magaling na actor na makatrabaho ang ex-girlfriend. “Oo naman, kalimutan na natin ‘yung past at harapin natin ang present. Right now, focus ako sa show naming Biritera ng GMA-7,” aniya.

KAPANSIN-PANSIN ANG mabilis na paglaki ng ulo nitong si Xian Lim. Naambunan lang ng kaunting kasikatan, feeling big star na agad. Kung dati-rati, napaka-down to Earth at napaka-low-profile. Ngayon, parang Superstar ang drama nito kahit wala pa namang napapatunayan. Pasalamat siya kay Kim Chiu at nadala siya nito bilang ka-loveteam sa teleseryeng My Binondo Girl. Pasalamat din itong si Xian kay Jolo Revilla dahil kung hindi ito na-ospital (2 weeks hindi nakapag-taping) hindi siya mabibigyan ng magandang exposure sa nasabing show.

Sa totoo lang, ginagamit lang ni Xian si Kim na gawing stepping stone para sumikat. Tantanan na ang pagkukunwari na type niyang ligawan si Kim. Please lang, magpakatotoo ka, Xian Lim. Mismong sa bibig niya nanggaling na wala siyang crush or type man lang sa mga artista nating babae sa showbiz. Sinabi ito ng actor nang minsan namin siyang  ma-interview sa isang presscon. Wala pa siya sa cast ng Binondo Girl. Malamya pa kung kumilos at magsalita na parang bading.

Tuloy, nag-isip kami na baka may lihim na itinatago itong si Xian dahil wala man lang siyang pinapantasyang seksing babae at walang  girlfriend. Sa madaling salita, wiz niya type ang babae. Ganu’n ba ‘yun? Ngayon may mga fans na sumusuporta sa loveteam nila ni Kim, sasamantalahin niya ang panggagamit dito para lalong sumikat.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleSemana Santa ng mga Bituin
Next articleAra Mina, hiwalay sa BF na businessman!

No posts to display