Xian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja Salvador

HALOS ISANG buwan nang usap-usapan ang iringan ng dalawang ka-loveteam ni Xian Lim sa Ina, Kapatid, Anak, na sina Kim Chiu at Maja Salvador bunsod ng pagkaka-link ng huli sa ex-boyfriend nang una na si Gerald Anderson.

Nakaramdam kaya siya ng tension sa set? Paiwas niyang sagot, “Para sa akin wala, wala akong nararamdaman.”

So, hindi ba niya napansing hindi nagpapansinan sina Kim at Maja? Tugon niya, “Wala naman akong naramdaman na ganu’n, lagi kaming nagpo-post ng Instagram pictures showing that we’re happy sa set and makikita naman nila sa instagram ko ‘yun, na everyone’s just happy.”

Hmp… true ba ‘yan, Papa Xian?

 

SA SIARGAO nag-birthday at nag-Valentine’s day si Kris Aquino kasama ang ilang kaibigan at mga anak na sina Josh at Bimby. Pero ang kanyang ex-husband na si James Yap ay sa isang charitable institution pini-ling i-celebrate ang kaarawan ngayong araw, February 15.

Kuwento ni James, “Siyempre, masaya ‘di ba? Parang share your blessings, ‘di ba? So, kumbaga… ikaw ‘yung na-bless, so i-share mo rin.”

Nakalikom ng pondo si James para ibigay sa charity mula sa kanyang garage sale last week. At least magandang hakbang ito para naman mapalapit sa masa ang sikat na basketbolista.

 

NAGPAKA-BUSY NA talaga si Sunshine Cruz sa kanyang nakatakdang muling pagbabalik-showbiz. Last Wednesday, sa kanyang Instagram post, ipinakita nito ang litrato ng kanyang pagpirma ng kontrata sa Cathy Valencia Beauty Clinic.

Nakatakda namang simulan ni Shine ang isang teleserye sa Kapamilya Network. Ang nakakalokang balita, naghahanap na ng bahay si Shine para sa kanya at sa kanyang tatlong anak na babae. Parang ang dating, hindi pa siya handang muling makabalikan ang asawang si Cesar Montano na inakusahan niya ng pagkakaroon daw ng affair sa starlet na si Krista Miller.

Kuwento pa ni Shine sa kaibigang Pilar Mateo, “Nag-uusap na kasi, Tita, ang mga lawyers namin. Kaya hindi ko naman p’wedeng idetalye ang mga kailangan naming gawin. Siguro pagod na akong ma-stress. It’s not doing me any good.”

Dagdag pa niya, “So the best way siguro talagang humiwalay na lang muna kami ng mga bata ng bahay. Ang focus ko kasi ngayon are my kids.”

Binibiro pa nga raw nila si Shine na baka puwede pang magbago ang isip nito, or baka daw isang ‘kiss’ or ‘hug’ ang kailangang gawin ni Cesar para maging okay na ang lahat.

Pero sagot daw ni Sunshine, “This is not the first time. Alam naman nating lahat ‘yan. Hindi ko alam what will happen next. But for the now, that is what I want to do.”

Dagdag pa niya, “Nag-usap naman kami. Kaya meron na ngang mga abogado. Oo, sinuyo naman niya ako. Pero hindi naman materyal na bagay ang habol ko, Tita. Kaya ko’ng bilhin lahat ‘yun.”

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Xian Lim, itinangging may tensyon sa set sina Kim Chiu at Maja Salvador

  1. mga Bitter kay xian wala ng masabi kung di iyon mag-isp nman kayo ng ibang masasabi kay Xian ganon na lang paulit-ulit wawa nman kayo affected kaya nman i’m happy kay Xian kasi lalo dumadami blessing nya sige the more na siraan nyo si Xian isang libong pagpapala galing sa diyos makakamit nya at yun mga bitter uulanin kayo ng ampalaya sa sobrang pait nyo sus baka dahil dyan mamatay kayo ang tanong saan EH DI SA INGGIT di coco shannel salamat at lagi mong binabash si Xian the more you bash him the more na sisikat sya at never kaming magsasawa kahit si KIM lagi nya kasama eh ano nman wag lang kay BUDOY buti may maharot na sya kasi mga KRIMINALD pinatay na ng sarili nilang idol ha!ha!

    • HINDI NAMAN PARATI. IN FACT, TYPE KO RIN YANG SI ATE, ESTE KUYA XIAN. HONGGWAPO KAYA. PARANG PINOY SUPERMAN. KASO WALA NA BA SYANG IBANG MAIO OFFER SA FANS NYA KUNDI LOVE TEAM EK EK NILA NI KIM, NA OBVIOUS NAMANG PILIT AT PART NG MACHINERY NG ABS. I MEAN, HE’S GOT THE LOOK. HE’S ATHLETIC. HE PLAYS MUSICAL INSTRUMENTS. HE CAN ACT NAMAN. SO IT’S TIME TO REINVENT HIMSELF AND TRY OTHER THINGS DI BA? HINDI YONG PALAGI NA LANG KADIKIT NI KIM. TAMA?

  2. ITONG SI ATE, ESTE PAPA XIAN, HONGGWAPO TLG. MUKHA PANG MALINIS SA KATAWAN. KATILAMTILAM DIN. KASO, PARANG NAPAKO NA SA PUBLICITY NA SILA NI KIM KAHIT HINDI. HALATA NAMANG DI SYA FEEL NI KIM. EH KASI MAY GAYDAR SIGURO SI ANG LOLA KIM. HAHAHA. WELL, XIAN, MAY SAWA FACTOR NA ANG LOVE TEAM EK EK NYO NI KIM. SO CUTE KA SA BINONDO GIRL, OO. PERO MOVE ON NA, TRY SOMETHING NEW. FOREVER KN LANG BANG SHADOW NI KIM? AT SALAMAT NAMAN AT DI KA NA DAW NAGPAPABILI NG IPAD O WHATEVER APPLE PRODUCT THAT WAS, SA MGA XIANATICS MO.

    • ano inggit ka nman sorry yan mga utak na gaya mo dapat sa basura kilala mo ba si Xian di ka nga nya fans kaming fans nya kaya nagustuhan sya kasi never naging user eh ano nman kung ipartner kay Kim inggit ka kasi super lakas ng chemistry nila san ka pa wait lang nag-uumpisa pa lang si Xian tingnan mo kung pano sya in the future tulad nyan talented at magaling makisama sa fans di nmin sya pababayaan swerte nila kasi tanggap ng tao kahit saan ilagay .Nag-iisang anak si Xian laking ibang bansa at magaling magpiano,nagkocompose ng kanta di basta basta pera ilalabas ng mommy nya para mapabuti future nya di sya nanghihingi kaming fans ang nagbibigay sa kanya kahit kumpleto sya ng musical instrument sorry sosyal mga fans nya di lang dito kahit sa ibang bansa so wag mong igaya si Xian na lumaking dukha para mamalimos shunga ka at sobrang pait.

      • eh alam naman ni kim na pang promo lang yan si xian lim nun di pa sikat yan kay vice ganda pumapapel tapos napunta kay kim ayun jackpot biglang sikat kahit bano umarte kasama sa teleserye tapos pa effect pa nanliligaw kay kim eh halata naman paminta, kung talaga lalake yan at nagkakagustuhan sila ni kim edi sana naka move on na si kim kay gerald at bale wala n sa kanya yung maja gerald eh kaso bukelya na paminta ang papa xian nya eh hehe ayun sawi na naman

Leave a Reply

Your email address will not be published.