Xian Lim, ipinagtanggol ni Direk Bobot Mortiz sa ‘pambabastos’ kay ‘Bea Binene’

Xian-LimSA COMEDY Unit’s presscon ng lahat ng comedy shows ng ABS-CBN, agad na idinepensa ni Direk Edgar Mortiz si Xian Lim sa naging reaksyon nito nang makaharap ang look-alike ni Kim Chiu sa nakaraang Chinese New Year special na ginanap sa Banana Nite. Tinawag ng aktor na Bea Binene ang Kim Chui look-alike at tinanong kung anong show ba ito sa kabilang istasyon. Agad na umani at pinutakti ng mga negatibong reaksyon si Xian sa mga netizens kung saan wala raw itong respeto sa kababaihan.

Ayon kay Direk Edgar Mortiz, may kasalanan din sila dahil ‘di nila na-brief ang look-alike ni Kim Chiu na dapat lumapit ito sa aktor at hindi nakatayo lang du’n. Dagdag na pagtatanggol pa ni Direk Bobot, kahit siguro siya ang nasa lugar ni Xian ay ‘di niya alam ang gagawin o ire-react niya kung nangyari ito sa kanya.

‘Di naman inaalis na may mali rin naman si Xian dahil bumanggit ito ng ibang pangalan ng artista. Sa kabila ng nangyari, humahanga lang si Direk Bobot na agad ay humingi ng tawad sa Twitter ang aktor at hiningi din nito ang number ng look-alike ni Kim na tiyak na tinawagan daw ng aktor para humingi rin dito ng dispensa.

Sa tanong namin kung sa kabila ng nangyari ay ige-guest pa ba nila si Xian sa Banana Nite o sa ibang shows sa ilalim ng comedy unit ng ABS-CBN, siniguro naman ni Direk Bobot na kukunin pa rin nila si Xian dahil sa kabila ng pagkakamali nito ay agad namang humingi ng dispensa ang aktor at inamin ang nagawang kasalanan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.