Xian Lim, inaming may problema sila ni Enchong Dee!

BUKOD SA isang pares ng hikaw ay isang promise ring ang iniregalo ni Xian Lim kay Kim Chiu sa kaarawaan nito nu’ng nakaraang April 19.

Nang tanungin namin kung bakit isang promise ring, ipinaliwanag sa amin ng aktor na simbolo iyon ng pagtitiwala, kung saan pinaparamdam niya sa kapareha na puwede siyang pagkatiwalaan nito, at lagi lang siyang maaasahan nito ‘pag kinailangan ng kakampi at maniniwala rito.

Sa loveteam nila, pagtitiwala ang pinanghahawakan ni Xian, kung kaya’t ganun na lang siya kakomportable sa samahan nila ni Kim, bagay na napakaimportante para maging matagumpay ang kahit na anong relasyon.

Hiningan din namin ng reaksyon sa balitang nagkaroon daw sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Enchong Dee dahil sa kanilang mga tagahanga, kung saan nakadalaw raw ang mga tagahanga nina Kim at Xian sa set ng Ina, Kapatid, Anak gayong may rules and regulations daw na hindi puwede ang mga tagahanga sa set ng nasabing serye.

‘Di naman itinago sa amin ng aktor na totoong nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan ni Enchong, maging sa buong produksyon.

Dumalaw ang mga tagahanga nila ni Kim na may dala-dalang mga pagkain na sa kalkula ni Xian ay ‘di siguro bababa sa P10,000 ang halaga ng mga ito. Nakapanhik at nakita na sila ng mga tagahanga at kabastusan nga naman kung itataboy niya ang mga ito na nag-effort at gumastos para sa selebrasyon nila sa nalalapit na kaarawan ni Kim.

Para kay Xian, ipinaglaban lang niya ang mga taong sumusuporta at nakikipaglaban para sa kanilang dalawa ng kapareha at pinahahalagahan niya ang anumang effort na ibinibigay ng mga ito sa kanila.

Sa kabila ng nangyaring ‘di pagkakaunawaan sa kanila ni Enchong, mag-uusap at mag-uusap pa rin silang dalawa ng kapwa aktor dahil bukod sa iisa ang standby area nila sa IKA, para kay Xian ay may malalim na rin naman silang pinagsamahan ni Enchong mula pa nang magkasama sila sa seryeng Katorse, sa pelikulang Reunion at naging magka-roommate pa sila nang mag-tour sa labas ng bansa ang Star Magic. Siniguro na okay siya at walang problema sa kanya at tinuturing pa ring kaibigan si Enchong.

Bukod sa IKA, sinisimulan na ring gawin ang unang pagtatambal nila ni Kim sa big screen, ang pelikulang Bakit ‘Di Ka Crush ng Crush Mo? Para kay Xian, ito ang masasabi niyang unang lead role niya talaga, dahil ang tambalan talaga nila ni Kim ang ibebenta sa nasabing pelikula.

 

RAMDAM NG lahat ng nag-interview kay Jennylyn Mercado nu’ng premiere night ang inis at pagkairita nito sa lumabas na balitang nagli-live in na sila ng boyfriend na si Luis Manzano.

Nagbitaw ng pahayag ang aktres na sana naman ay siguraduhin muna ng mga nagsulat at makita siya muna sa bahay ni Luis. Na sana ay mag-isip at gamitin ang isip ng mga sumulat at nagpakalat ng isyu na may pamilya at may anak siya na prayoridad niya ngayon, kaya imposible itong mangyari. Bukod sa alam at naiintindihan ni Luis ang kanyang sitwasyon.

Aminado si Jennylyn na naapektuhan ang boyfriend sa mga lumabas na kuwentong ito, kahit pa nga sanay na ring mabato ng mga intriga ang TV host/actor.

Sa isyu naman na may balak na silang pakasal ng boyfriend, aminadong nakita na rin niya kay Luis ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay. Pero maliit pa si Jazz at nangangailangan pa talaga ito ng pagmamahal at aruga ng isang ina, kung kaya’t wala pa talaga sa balak nila ang magpakasal.

Ayon kay Jen walang nakakaalam kung ano siyang klaseng ina kundi si Jazz, ang kanyang pamilya at si Luis mismo.

Nalalapit na rin ang eleksyon kung saan tumatakbo muli bilang gobernadora ng Batangas si Gov. Vilma Santos, nang tanungin namin kung handa ba siyang ikampanya ang butihing ina ng boyfriend, basta makatanggap ng imbitasyon at kaya ng kanyang sked ay walang nakikitang problema si Jen.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Xian Lim, inaming may problema sila ni Enchong Dee!

  1. between Enchong and Xian, kay ED na ako, kahit bading, nasa listahan naman ng Most Respected Celebrity Gays, ibig sabihin, matino at kagalang-galang, say nyo?

  2. kung ganun mapagpahalaga naman pla samga fans itong c zianna….ang sbi kc supladu daw ito samga pancita…pg daw my nagpapapicture e ng-iinarte ang vakla?  sbagay kc cguro mga close nasa knila ung mga un kya dinya iniisnab pero pg ung ordinary fan na dinya kilala e supladu daw ito pati nrin c kim chuy…

Leave a Reply

Your email address will not be published.