Xian Lim, imposible raw na buntis si Kim Chiu

Xian Lim, imposible raw na buntis si Kim Chiu Si Kim Chiu buntis? Natawa ako.

Ito ang balitang nakarating din kay Xian Lim noong grand presscon ng teleserye nila ni Kim na “The Story of Us” kamakailan.

Laking gulat ni Xi nang may magtanong sa kanya about Kim’s interesting situation. Sabi lang ng aktor, “Narinig ko lang ‘yang rumors na buntis si Kim (sa presscon ng teleserye nila). Ang weird. Imposible ‘yan. Even talking about it, it seems weird,” sabi lang ni Xian Lim.

Sa showbiz, halos lahat dumadaan sa baptism of fire, ‘ika nga.

Kung babae ka, it’s either buntis ka or nagpa-abort. Kung lalaki ka naman, bukod sa mga sex and video scandal kung saan ili-link na ikaw ‘yun, it’s either beki ka or kabit ng beki. Take your pick. Dami mong pagpipilian.

Nakakatawa. Sa almost 35 years namin sa showbiz, ang tsismis at intriga, dumaan lang na parang malamig na hangin sa tag-araw na puwede mong patulan at pag-usapan kung trip mo.

Pero kapag waley naman, kusa na lang mamamatay.

Si Kim Chiu buntis? Hahaha!

Kung si Xian nga ay nagulat at nawiwirduhan sa balita. Kung hindi siya makapaniwala gayong siya dapat ang culprit dahil sa kanya lang naman nali-link si Kim, maloloka nga si Kim ‘pag kumalat lalo ang tsika.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleSunshine Cruz, umaasang ma-grant na ng korte ang annulment ngayong taon
Next articleEllen Adarna, pinag-usapan sa social media ang 37-second ‘Torete’ video

No posts to display