Xian Lim, habang tumatagal, mas humuhusay mag-host

Xian Lim
Xian Lim

“Good acting!”

“Nag-improve na talaga siya nang husto.”

Ito ang ilan sa mga papuring ibinibigay ng mga manonood ng “The Story of Us” sa acting na ipinakikita ni Xian Lim dito.
Mula nga nang makitaan ito ng galing sa pagganap sa kanilang pinagsamahang pelikula ni Batangas Gov. Vilma Santos, mas malaki ang ipinakitang improvement ni Xian Lim sa kanilang teleserye ni Kim Chiu.
Marami nga ang nagsasabing ‘pag nagpatuloy pa ang paggaling nitong umarte ay ‘di malabong maungusan pa nito ang ilang Kapamilya star na mahusay ring umarte, pero nahinto na ang pag-grow at na-stuck na lang sa kinagawiang way of acting.
Bukod nga sa mahusay nitong pag arte ay ‘di rin naman matatawaran ang galing nito sa pagho-host ng mga prestigeous pageant sa bansa.
Puwedeng -puwede na nga raw itong maging main host ng ASAP every Sunday, dahil ‘di hamak na mas mahusay pa itong mag-host sa ibang naroroon.

Joel Cruz With Kids
Joel Cruz With Kids

Lord of Scents Joel Cruz, gusto pa ring magka-triplets

DUMATING NA muli sa bansa mula sa ilang araw na bakasyon at business meeting sa Amerika ang mabait at very generous na CEO/President ng Aficionado Germany Perfume at tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz, kasama ang kanyang four kids, pamilya at ilang executives ng kanyang kumpanya.
Naging masaya raw ang bakasyon na ito ni Sir Joel dahil may dagdag silang kasama, at ito ang kanyang newest twins na baby boys.
And speaking of kids, nagbabalak pa rin daw si Sir Joel na magkaroon ng triplets kung papalarin siya at gusto nga nitong mag-try ulit. At kung mangyayari ngang magkakaroon ito ng triplets, magiging pito na ang kanyang anak.
Sa ngayon daw ay wala na ngang mahihiling pa si Sir Joel, dahil bukod sa very supportive na pamilya at successful business, meron pa siyang apat na very healthy na mga anak.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleSunshine Dizon, nakiusap na ‘wag i-bash ang mga bagong Sangre ng “Encantadia”
Next articleSylvia Sanchez, natupad ang pangarap na makapareha si Christopher de Leon

No posts to display