Xian Lim, gustong mag-explore sa iba’t ibang roles

Xian-LimKUNG MABIBIGYAN ng pagkakataon, gustong mag-explore ni Xian Lim sa iba’t ibang roles. “Gusto kong gumawa ng psychotic thriller movie, gusto ko ring mag-action. Gusto ko rin sanang gumawa ng indie films, ‘yung tipong ibang-iba talaga ’yung role.

“Gusto kong gumawa sa Cinemalaya. Ang last ko is ‘yung Two Funerals pa, tapos puro mainstream na, eh. Gusto ko ring mag-musical kasi iba ring training ‘yon. Iba sila, eh, iba ‘yung mga matututunan do’n. Kumbaga, lakad pa lang nila may dating na, eh,” excited niyang pahayag.

Maging ang pagpapa-sexy sa pelikula, okey rin pala kay Xian.

“Sa akin, wala namang isyu ‘yon (pagpapaseksi) given the right material. ‘Pag may nag-offer, sana maganda ‘yung material. Hindi yung ano ba ’to, makapaghubad lang,” natatawa niyang reaksyon.

Excited na si Xian sa syuting ng movie nila nina Vilma Santos at Angel Locsin na malapit nang simulan. Sigurado raw na marami siyang matututunan sa dalawang award-winning actress.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleNora Aunor at Direk Brillante Mendoza, nagkalamat na ang pagkakaibigan
Next articleDarren Espanto, pinuno ng tilian ang concert sa MOA Arena

No posts to display