Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?!

SIMULA NANG MA-GING hurado sa Showtime ang heartthrob na si Xian Lim, bumenta na sa madlang pipol ang ‘loveteam’ nila ni Vice Ganda. Abot hanggang sa Twitter ang harutan ng dalawa, kung saan regular na si-lang nagbabatuhan ng mga cheesy tweets.

Kahit na malinaw naman na for entertainment purposes only ang ginagawa ng dalawang artista, hindi naman mapigilan ng ilan na mag-isip na ginagamit diumano ng aktor ang sikat na komedyante. Itinanggi naman ito ni Xian at nilinaw na ang importante para sa kanila ay nakakapagpasaya sila ng mga Kapamilya viewers and fans.

Isa si Xian Lim sa igino-groom ngayon ng ABS-CBN bilang leading man at pasok pa ito sa My Binondo Girl, na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Kung ikukumpara sa dalawa pa niyang kasama na sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli, mas may edge pagda-ting sa aktingan at dating ang aktor.

 

LOVI POE, ‘IN-ASWANG’ ANG PELIKULA KAY GLAIZA DE CASTRO?

Maituturing na ‘Prinsesa ng Regal’ ang sexy actress na si Lovi Poe ngayon. Hindi pa man pinapalabas ang pelikula niyang My Neighbor’s Wife kasama sina Dennis Trillo, Carla Abellana at Jake Cuenca, busy rin ito sa shooting ng remake ng dating Jean Garcia starrer na Aswang.

From Comedy to Drama to Horror ang exposure ng ganda at alindong ni Lovi Poe, huh? Hindi tuloy mapigilan ng ilan na mag-isip na ang dalaga ni Lovi Poe talaga ang present favorite ni Mother Lily.

Gaano kaya katotoo na may hinanakit si Glaiza de Castro dahil sa kanya unang inalok ang nasabing pelikula? Lumabas pa nga sa mga pahayagan noon na puspusan na ang paghahanda ni Glaiza para sa nasabing remake.

Marami ang nagsasabi na sa Kapuso network, sina Lovi at Glaiza ngayon ang pinaka-versatile sa aktingan, kantahan at sayawan. May aswangan bang naganap? Aswangan daw, o!

 

MIKE TAN, LEVEL UP SA LEADING MAN STATUS!

Paulo Avelino’s loss is Mike Tan’s gain. Sa wakas ay binigyan na rin ng pansin ang Starstruck II Ultimate Male Survivor na si Mike Tan para maging leading man sa upcoming afternoon drama na Kung Aagawin Mo Man ang Lahat. Ito ay pinagbibidahan nina Carla Abellana at Michelle Madrigal, kung saan pag-aagawan nila sa kwento ang pag-ibig ng karakter ni Mike Tan.

Kay Paulo Avelino unang inalok ang papel, pero mas pinili nitong makipagsapalaran sa bakuran ng Dos. Matagal-tagal na rin ang hinintay ni Mike Tan para ma-bigyan siya ng proyekto kung saan niya maipapamalas ang kanyang acting prowess in an elevated status.

Kumpara sa mga prinsipe ng Starstruck ay tila si Mike Tan na ang nahuli. Sa pagkakataon kayang ito ay seryosohin na siya ng Kapuso Network at i-groom na bilang next important leading man ng Siyete?
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

11 thoughts on “Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?!

  1. HELLO?!! si Xianpa ang nagamit kay vice na walang ganda? maryosep! may K ba c Vice na walang ganda??? pnuetah!!!

  2. Ampalaya sa pait ang mga Kapuso kasi wala silang pantapat kay vice ganda, trending lagi sa twitter at FB ang bawat sunday episode ng Gandang GAbi Vice, kung dati Showtime lng pinaguusapan ngayon pati GGV eh sumikat na.

  3. feel na feel namn ni vice ehhh..okay lang yan pareho naman silang nagbebenefit…ngayon lang siguro nagkaroon ng pagakakataon na maging friend ang isang hunk tulad ni xian lim

  4. talaga naman na super nget-pa ni Vice (diko masabi ang Ganda, di talaga bagay eh). tignan mo sa picture niya sa itaas, at isa-isahin pa ang feature ng mukha. Sana nga, huwag kasing feelingera iyang si Vice, magpakatotoo ka, tulad ni Allan K.

  5. Pingback: Xian Lim, ginagamit lang si Vice Ganda?! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

  6. kadiri naman si xian…sabagay kung pera lang habol kahit kabayo papatulan mo…dami nyan datung kaya pagtiisan mo na lang…sayang din huthutan mo pa para yumaman ka

  7. NAKU KADIRI NMAN C XIAN LIM PATI YUNG NAKAISIP NG GANYANG CHISMIS KC KAHIT KABAYO MANDIDIRI SA ICHURA NI VICE GANDA. CHAKA CYANG MASYADO AT TALAGANG PARANG BAKULAW SA SOBRANG LAKI TPOS MUKHANG MAY PADDING PA LAGI SA PWET AT ANG GASPANG NG MUKHA AT SOBRANG LUWANG NG BUNGANGA NI VICE TSAKA YUNG PAGMUMUKHA NYA MUKHANG PLASTIC NA BAKLA SA TOTOO LANG BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.