Xian Lim, feel na feel bilang ‘Mr. Right’ ni Kim Chiu

Xian-LimSOSYALIN ANG image ni Xian Lim but we realized that he is just a simple guy.

“Hindi ako masyadong trendy. Mukha lang, mukha lang akong sosyal. Hindi ako masyadong brand conscious,” he declared during a pictorial break para sa ini-endorse niyang GIBI Shoes.

“Sa sapatos hindi ako masyadong nag-i-splurge. Dati nangongolekta ako sa States ng Jordan,” chika pa ng hunk actor.

“I think karamihan alam ‘yon na mas after ako sa comfort. Mahilig akong mag-short, T-shirt lang, ‘yung comfortable lang,” say niya.

Usap-usapan sa social media ang very sweet birthday message niya kay Kim Chiu recently.

“‘Yung last message ko sa kanya 2011 pa. Actually  ‘yung message ko nga sa kanya nu’ng 2011 ay hindi nga siya… papasikat pa lang ang Instagram noong 2011. Ang daming parang… siyempre nandiyan naman ang sumusuporta. Pero siyempre at the same time balik na naman sa issue na gimik na naman daw. Actually 2011 ang kino-consider ko na nakapasok ako sa industriya kasi naglalakad-lakad lang naman ako dati sa likod (ng camera).

“Nagsulat ako ng… sinulat ko sa papel at piniktyuran ko at sinabi ko na I’m very thankful sa mga nangyari. Birthday niya noon.

“Nakatutuwa naman kasing isipin, before ang dami naming pinagdaanan. Hindi naman namin akalain na magiging love team kami. Hindi ko in-expect na lalaki ang love team namin at parang aabot sa ibang bansa ang mga shows namin. Hindi ba ngayon usung-uso na ang social media at ready na silang (fans)… hindi naman makipag-away pero to defend us.”

As to Kim’s statement na nakikita siya ng dalaga bilang Mr. Right, Xian said, “Nakatutuwa. Ang ipinapakita ko naman sa kanya ay totoong ako. Pangit naman kasi na may mga sugarcoating. Kumbaga ang ipinapakita ko sa kanya ay kung ano talaga ko, parang ganoon. Nakatutuwa na noong tinanong siya sinabi niyang baka nga ako si Mr. Right. Siyempre nakaha-happy naman. Feeling ko naman, kung nasasabi niya ‘yon na parang ako si Mr. Right, parang feel na feel ko naman ‘yon.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Xian Lim, feel na feel bilang ‘Mr. Right’ ni Kim Chiu

  1. hindi pa rin pala nagbabago ang Xianita na yan hak hak sa isang sosyal na Mall diyan sa makati abay namasyal pala ang Baklitang yan as useless kasama na naman yung apat niyang alalay hak hak siguro takot ma ‘mob’ ( sa isip niya lang yun ) hak hak kaso sabi ng gurad napansin niya rin kaso walang pumapansin na fans o anuman means DEDMA ang mga sila sa Beauty ni Xianita Lim…mga isang oras ding nag gagala sa Mall si Xianita hak hak pero habang naglalakad daw siya, yung dalawa kasama niya. nauunang maglakad mala tipong HAWI BOY hak hak eh wala namang hinahawi…feelingerang skat> hak hak eh hindi naman sikat! hakaka

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.