Xian Lim fans, hindi happy sa nangyayari sa career ng idol nila

Xian Lim

MAY ILANG mga fans si Xian Lim na dumalo sa red carpet celebrity premiere ng pelikulang Miss Granny last night na isinagawa sa Trinoma Cinema.

May ilan kami nakausap mula sa iba’t ibang fan groups na nagaabang sa idol nila na galing pa sa preem ng pelikula sa Megamall reason kung bakit na delay ang celebrity premiere screening.

Puna nila na mula umalis sa Star Magic-Kapamilya Network ang aktor at lumipat sa Viva Artists Agency, tila naapektuhan ang idol nila lalo pa sa promo ng Miss Granny ay hindi nakakapag-promote ang binata sa iba’t ibang Kapamilya Shows.

Say ng isang group of solid Xian fans: “Masyado namersonal po ang ABS-CBN sa idol namin. Unfair po ang nangyayari kay Xian,” sabi ng isang member na hindi na namin babanggitin kung ano ang name ng grupo nila.

Pero dahil mahal nila si Xian, susuportahan pa rin ng solid Xian fan groups ang kapartner ng idol nila na si Kim Chiu na nasa pangangalaga pa rin ng Kapamilya Network.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “Xian Lim fans, hindi happy sa nangyayari sa career ng idol nila

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.