Xian Lim, ‘di na kailangang amining sila na ni Kim Chiu

Xian Lim, 'di na kailangang amining sila na ni Kim ChiuNaiintindihan ko ang sitwasyon ni Xian Lim kung bakit magpasahangang ngayon ay hindi niya mabitawan ang salita na “sila” na talaga ni Kim Chiu. Kumbaga hanging pa rin sa media ang estado nilang dalawa.

Matagal na kasi ang hinala ng media at maging mga supporters nila at mga tagahanga kung ano man meron sila ni Kim Chiu at kung ano man ang estado nila ng screen partner niya na sa tingin naman namin ay may mutual understanding (M.U.) na ang dalawa.

Sa grand presscon ng kanilang hit teleserye na “The Story of Us” na pumapalo sa taas ng rating, aminado si Xian Lim kung gaano kahalaga si Kim sa kanya.

Actually statement of the day during the launch ang pahayag ng binata na “Mahal na mahal ko siya (Kim)” habang si Kim, tahimik lang at hinahayaan lang magsalita ang kapartner niya.

Hindi man diretsahang sinasabi ng dalawa na sila na nga talaga, ang ikinikilos naman nila ay sapat na para hindi ka na magdududa at sasabay ka na sa agos ng alon kung ano man ang gusto nilang itawid sa sarili nilang pananalita.

Habang si Xian ay nagpapaliwanag, si Kim naman, nakahawak ang mga kamay sa mga tuhod ng aktor na patunay lang kung gaano na kakaswal ang samahan nila, na sabi nga ni Xian na walang “label”.

May pangamba kasi si Xian kung bakit hinay-hinay rin siya sa pagdedeklara in public ng kung ano man meron sila ni Kim.

“Baka kasi kapag masyado kang maging open, baka lang kasi madagdagan, magkaroon ng bawas, magawan pa po ng ibang istorya. But at the same time… ‘yun nga, hindi ko mapatatawad ang sarili ko kapag may nangyari. Kapag may… sabihin na natin na may mga gawa-gawang istorya about our relationship. Masakit ‘yun, masakit ‘yun sa amin,” paliwanag ni Kim sa media na saksi sa kanyang declaration of love kay Kim.

May paliwanag ang binata tungkol sa estado nila ni Kim ngayon: “Pero ang napag-usapan kasi namin ni Kim, just in case na magkakaroon kami ng misunderstanding, ayusin na kaagad namin. Hindi na namin kailangan pang mag-away sa Internet para lang… We also have to set an example.”

Kung kailan idedeklara nina Xian at Kim na sila na nga ang mag-boyfriend or sila na ang magkarelasyon, sa pagdating na lang ng tamang panahon. Kung kailan, let’s wait and see. Pero happy naman yata sila sa sitwasyon at estado nila kaya okey na rin naman ‘yun.

Ang mahalaga, walang denial para happy ang lahat.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleRichard Gomez, lagare sa showbiz commitments at pangangampanya sa Ormoc
Next articleCristine Reyes, inabsuwelto laban sa akusasyon ni Vivian Velez

No posts to display