Xian Lim, ‘di kayang iwasan na ma-in love kay Kim Chiu

Kim-Chiu-Xian-LimKim-Chiu-Xian-LimPALABAS NA sa mga sinehan ang Bride for Rent, ang much-awaited follow-up movie nina Kim Chiu at Xian Lim. Gaya ng inaasahan ay patok ito sa takilya. Trailer pa lang kasi ay nakakakilig at nakakatawa na. Samahan pa ng kinakikiligang KimXi loveteam na hindi maikakailang malaki ang fanbase.

Taong 2011 nang isang di-inaasahang tambalan ang nabuo thru the hit teleserye My Binondo Girl where they played Jade and Andy. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nila binibigo na paibigin at pakiligin ang kanilang mga fans.

Pero mukhang hindi lang yata pang-showbiz ang kanilang tandem kundi marami ang naniniwalang nauwi na rin sa totohanan ang kanilang partnership. Last year, humarap si Kim sa mga pagsubok but Xian never left her side. Kaya naman hindi pinakawalan ng Buzz ng Bayan ang pagkakataon na matanong ang KimXi kung naglevel-up na ba ang kanilang friendship.

Napansin namin ni Carmina (Villaroel) na iba sila kung magtinginan that time. Sabi ko nga, “Iba talaga ang language. Mata lang.” Hirit naman ni Mina, “Tito Boy, kung magtinginan ang lapit.”

Hindi magkamayaw sa hiyawan ang mga fans sa loob ng studio. Marami ang gustong magtanong but only three were chosen to ask questions. Nang tanungin kung anong kanta ang dedicated nila sa isa’t isa, Xian chose the song Hero while Kim answered Chinito.

Ano ba ang Christmas gift nila for each other? Kim gave Xian a carpet for his house. Paliwanag ni Kim, “Bago kasi ang house niya. Pinapakita niya iyong picture. Parang may kulang. Sabi ko may kulang dito, diyan. Nakapunta na [ako] sa bahay. Nagpakita rin siya ng mga pictures.” Samantala, dalawa ang regalo ni Xian kay Kim pero isa lang ang sinabi ni Kim sa amin. “Iyong shoes. May gusto kasi akong shoes. Everyday kaming nagsho-shooting. Wala nang time. Parang nadaanan lang namin. ‘Ay ang ganda! Babalikan ko.’ Di ko na nabalikan ng isang buwan, dalawang buwan. Tapos noong Christmas sabi niya, ‘Buksan mo iyan. Mae-excite ka kapag nabuksan mo.’ Sabi ko, ‘Mamaya na. Wala pang 25.’ Tapos pag-open ko, ay iyon [shoes] na nga.”

Dahil sa sagot ni Kim kaya tinanong namin ni Mina kung magkasama ba sila noong December 24. Kim admitted that Xian went to their house together with his mommy and lola. Biro ni Xian, “Wala kasing pagkain sa amin so nakikain ako sa kanila.”

At what age do they plan to get married? Xian answered, “Siguro, right on the top of my head, siguro mga 40. Ang tanda na!” Sagot naman ni Kim, “Ako gusto ko before mag-30 para iyong mga babies, friends-friends, buddy-buddy.”

Nagkwento sila ng kanilang favorite scene sa Bride for Rent. For Kim, it’s the audition scene dahil marami raw siyang adlib dito. “Kung ano ang lumabas sa bibig ni Direk, iyon ang sasagutin ko. Iyon ang gagawin ko.”

Para naman kay Xian, it’s the part where Kim said, ‘Don’t you dare fall in love with me.’ I asked him if it were to happen in real life and Kim said to him, ‘Seryoso, Xian, don’t you dare fall in love with me,’ ano ang sasabihin niya kay Kim? Walang kagatul-gatol niyang sagot, “I can’t help but fall in love with you.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Xian Lim, ‘di kayang iwasan na ma-in love kay Kim Chiu

Leave a Reply

Your email address will not be published.