Xian Lim & Bea Binene: Hidden Desires Revealed!

Bea-Binene-Xian-LimXIAN LIM
Real Name: Alexander Xian Cruz Lim Uy

Birthdate: July 12, 1989
Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday
BEA BINENE
Real Name: Beanca Marie Binene
Birthdate: November 4, 1997
Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday
SAMU’T SARING reaksyon mula sa netizens ang natanggap ni Xian Lim noong Huwebes dahil sa inasal nito sa live show ng programang Banana Nite. Paano ba naman, nagpakita kasi ang isang Kim Chiu look-alike sa stage bilang sorpresa, na hindi siguro in-expect ng aktor. Imbes na magkilig-kiligan with the ka-fez of his onscreen partner, nag-dialogue ito bigla ng ‘Ano ang ginagawa ni Bea Binene rito?!’
Ginawan ng paraan ng kapwa Banana Nite hosts na maibaling ang atensyon sa iba, pero nag-dialog pa si Xian kung may teleserye ba sa Siyete si Bea Binene. Imaginary, nganga tuloy ang ka-look-alike at para sa ibang miyembro ng madlang pipol, uber taklesa at ungentleman ang inasal ng ‘Bride For Rent’ star.
Bakit nga ba si Bea Binene ang naisip ni Xian Lim imbes ang rumored girlfriend na si Kim Chiu? Hindi kaya may hidden desire ito sa Kapuso teen actress? Aba, isa itong malaking pasabog! Ahihihi!
Napag-uusapan din lang sina Xian Lim at Bea Binene, gawan na natin ng isyu ‘yan! Ano kaya ang masasabi ng mga bituin sa love haven? Tsek natin!
Gets na gets ng Cancer at Scorpio ang isa’t isa. Why? Pareho kasi silang intense at sandamakmak pa ang kanilang similarities. Ang pagkakasalungat nila sa ugali at personalidad ay hindi naman ganu’n ka-big deal para mauwi sa bonggang fight, at madadaan ito sa masinsinang pag-uusap.
Masyadong concerned sa iniisip ng ibang tao ang Cancer habang ang Scorpio naman ay keber lang sa madla. Hindi rin agad nag-o-open up ng kanyang feelings ang Scorpio, na maaaaring ikaduda ng Cancer. Kailangan nila ng love, loyalty and respect sa isa’t isa. Sa totoo lang, punung-puno ng romansahan ang pagsasamang ito. Once they start opening up to each other emotionally, magiging isang magandang relasyon ang outcome nito. Heart over Mind din ang pinapairal nila. Yes, ganyan sila ka-intense!
Sa totoo lang, ang love match ng lalaking Cancer at babaeng Scorpio ay isa sa maituturing na ‘perfect match’. Nag-uumapaw ang kanilang chemistry na lalo pang lalago sa pag-usad ng panahon. Ibibigay ni lalaki ang lahat ng security na kailangan ni babae, at susuklian naman ito ng tender love and care. Passion ba ang hanap mo? Todo-bigay sila at very open sa kanilang feelings with each other. Oo na, pasok sa banga itey!
There you have it, ladies and gentlemen! Kung sakali naman palang aminin ni Xian Lim na si Bea Binene talaga ang hinahanap-hanap nito kaysa kay loveteam Kim Chiu, mas rewarding ang resulta ng kanyang love journey! Unleash that hidden desire and give it a try! Push na ‘yan!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.