Xian Lim, ang arte!

NAKAKALOKA ITONG si Xian Lim, wala pa man masyadong napapatunayan ay sobrang suplado na sa media. Sa launch ng isang clothing line noong Martes, parang naging very confident na sa kanyang kasikatan itong si Xian.

Imagine, nagkukumahog ang media na na-kiusap sa kanya na ma-interview pero lagi nitong itinuturo ang isang kasamahan niya na parang ang gusto niyang palabasin ay magpaalam muna. Isang kasamahan namin ang ipinakita pa ang microphone box ng istasyong kanyang kinabibila-ngan para sana makapagtanong man lang ng at least 3, questions pero deadma itong si Xian.

Dyusko, ibang-iba talaga ang mga tunay na sikat na sina Dingdong Dantes, Gerald Anderson at Piolo Pascual dahil kahit may mga handlers na kasama, sila na mismo ang nagpapaunlak ng kahit maiksing interview sa amin.

Ay, naku, ‘dong, maraming ipinanga-nganak na artista araw-araw, don’t be too confident of the fame you are enjoying now!

 

ANO RAW? Naloka naman kami sa tsismis na isang transgender daw ang nagki-claim na naging sila o may nakaraan sila ng Starstruck alumni na si Martin Escudero.

Nakakuwentuhan namin ang Kapatid Star na si Martin sa presscon ng kanyang bagong teleserye. Ayon sa kanya, nagulat na lang siya nang may nagsabi sa kanya na may isa nga raw transgender na kasali ba o nag-audition lang sa isang artista search din ng ibang istasyon.

Kuwento pa niya, “Nabigla nga ako sa gano’ng balita, tapos ‘di na lang ako kumibo, kasi wala naman talagang katotohanan. Ang sa akin lang, sana hindi na niya ituloy ang pagdawit sa aking pangalan.”

Dagdag pa niya, “Siguro lahat naman ng mga lalaking artista ay inili-link o minsan ay itsini-tsismis talaga na may mga karelasyong gay.”

Pero deadma na si Martin sa kung anuman ang tsismis na ipinagkalat ng transgender. Hay naku, nakakaloka ka, ‘day, kung sino ka man!

 

HINDI NAMIN kinaya ang mga jokes ni Alex Gonzaga noong nakausap namin siya sa presscon pa rin ng bagong teleserye, kung saan isa siya sa mga bida.

Inungkat kasi namin sa kanya na medyo bu-maba ang ranking niya sa FHM 100 Most Sexiest, dahil last year nasa pang 91 siyang puwesto pero sa taong ito ay pang number 98 na siya.

Patawang sagot ni Alex, “Nananawagan po ako ng recount. Kasi bakit ganun kalayo ang naging rank ko, from 91 to 98,” sabay pakawala ng halakhak.

So ano ba ang gusto niyang rank? Sabi niya, sabay joke pa rin, “Kahit pang 97 man lang, hahaha!” At biglang naisip naman niyang bawiin na lang daw niya ang kanyang panawagan dahil, “Baka pag nag-recount imbes na tumaas, lalo pang bumaba. Baka malaglag pa ako sa ika-sandaan o tuluyang mawala sa listahan. Huwag na nga lang mag-recount.”

Hay naku, Alex, ibang klaseng komedyante ka talaga. Lagi mo kaming pinapatawa kahit sa mga seryosong usapan. Ikaw na!

 

ISANG ARAW, may nag-text sa amin na ang gamit na numero ay hindi naka-register sa aming telepono. Nang binasa namin ang mensahe ay si Mickey Ablan pala ang nag-text sa amin at ipinaalam lang niya na ‘yun na ang bagong numerong ginagamit niya. Kinumusta muna namin si Mickey at okay naman daw siya.

Sa tanong namin, kung ano ang masasabi niya na may nangyaring ‘overlapping’ sa relasyon nila noon ni Iwa Moto, na kung susumahin sa mga pahayag ni Iwa ay nagkaroon ng relasyon itong si Mickey kay Jodi Sta. Maria habang sila pa at itong si Jodi naman ay sila pa rin ni Pampi Lacson noon na boyfriend naman ni Iwa sa ngayon. (Ay ang gulo, parang kabit-kabit na pasakit ba o pagmamahalan, Ed.?)

Sagot ni Mickey sa amin, “Smile na lang tayo diyan.”

Kaya naman ang sagot ko ay ‘like ko ‘yan, friend’. Salamat Mickey sa tiwala!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

42 thoughts on “Xian Lim, ang arte!

  1. bakla kc yan day. anu ka ba baklang reporter kah? di ka nya pinahada? e kalaman mo yan gwahgwah kwah talagah!

  2. ang isyu d2 ay ung png iisnab s press at s mga reporters,ndi ung gnwa ky kim or watever.in fairness ky gerald,kht my plyboy image cia,kht mnsan wlng nging issue about him n nang isnab o ngfefeeling sikat xa.mgalang at mgiliw c gerald s press kya until now kht wl c kim,sikat prin cia.ayyy pno nga pl ny lolokohin c kim ehhh bkla din yang c xian wahahahaha

  3. To parazzi people, Give Xian Limm a break… bakit parati si Xian ang inyong hinuhusga? si GA na may malaking kasalanan kay KIM CHUI di nyo man lang sinisiraan? kung wala si XIAN hindi uusbong ang part ni KIM for Love theme. sa totoo lang, ilang guys na ba ang na e partner ni kim sa mga tv series nya after GA? walang pumatok. here comes XIAN LIMM, nabigyan ng buhay ang love theme ni KIM dahil tanggap sa mga tao si XIAN, si XIAN lang naman ang patok, so ngayon sinisiraan nyo kung ano-anong mga nega jan. kasi naging paborito na xa most of the filipino people around the world…? ganun? kalorky kayong mga nega writers jan…. ang plastic ng mga ugali ba… aabangan ko talaga on the day mamatay si Xian sa katandaan or whatever, I’m sure iba ang sasabihin nyo at pupuriin pa… eh, totoo naman eh… mga plastik… grrrrr…. 

  4. watever…inggit lang kau…mga tao nga nman paninira ang alam pag naiinggit…walang maniniwala sa sira ulong writer na ito…

  5. MALAKI NA TALAGA ANG ULO NI XIAN LIM, SIPLADO NA YAN, YUNG FREND KO NGA NA NAKITA SIYA SA ISANG EVENT, NAGPAPA-AUTOGRAPH LANG TAPOS DINEDMA-DEADMA NIYA… KALA MO KUNG SINONG SUPER SIKAT NA, HUH! MAAGA RIN YANG MALALAOS PAG GANYAN UGALI NIYA

  6. may I add…proof, dahil may XIan LIm na nakalagay sa title ..in fairness naka 3872 views ha….oh ayan SUMIKAT ka na Arniel Serato…malaki laki na rin yang tulong ni Xian  Lim sau ha….umayos ka na..ahahahahha…ung iba naman sa ABS talents isulat mo….para makatulong ulit..hehehehehe….at ung KASINUNGALINGAN ulit ha, para malaman ng lahat, gaano ka ka ayos magsulat…ahahhahahaha….(laugh ni black lily..) ahahahhaha

    • Yes, it just showed Xian has lot of supporters. Watch out Arniel. Just be careful with what you write. Verify the facts, just don’t assume. Liar ka kasi di ba?

  7. ah eh baka naman kasi ang mga star magic talents bawal mag pa interview sa mga TV5…kasi naman walang kwenta naman ang show, walng kwenta din ang mga write-ups…baka kasi madagdagan pa ang rating ng show at views ng write-ups kung may Xian Lim na nakalagay….hahahahahhahahhaa….kakatawa kau..paparazi, sariling host nagcomplain sa sariling show?????!!!  OMG talaga!…sariling host binabastos, ano pa kaya kung talents ng ibang network???   wala nang MANINIWALA sa inyu uy!…DEADMA ang mga fans ng mga ABS talents, kasi wala kaung credibility sa mga news nyo..puro na lang panira…bakit hindi kau magpakabusy sa all praises write-ups and news sa mga talents nyo mismo para sumikat naman….hahahahaha…sa OMG awards, nagpopromote pa kau na bumoto fans ng talents nyo, eh ung sa ABS walang ka effort effort, ang result BOKYA kau…hakot naman ng ABS talents awards…..hahahahahaha..ang tawa ko lang….i will not be surprise kung lalabas nanaman ito sa JUICELESS show nyo..mga JUNKY news…paborito nila doon si Xian siraan din…haynaku, wala nang nanonood uy!..kahit may XIAN LIM pa yan kasi puro panira…doon na sila manonood sa BANDILA…may news pang mabuti na makikita…ahhahahahhaha

    • Ang writer na ito kasi, Arniel Serato ay pabor kasi yan sa TV5, anak anakan yan ni Crispy Pata . All praises yan kay Fermin. Pero kung taga kapamilya at taga siyete ang news, parang sour ang dating, kung TV5 ang news, awesome ang report. Hindi pantay. Tularan sana nila yong ibang writers dyan na patas ang labanan sa panunulat.

      • Agree, pati si Ogie Diaz, ka-tropa nila sa mapanirang articles at news ke Xian. Kaya ayaw na magpa-interview nung tao kasi, baka ma misquote pa siya. Kung puro negative news ba naman ang ginagawa niyo, bakit pa magpa-interview yung tao. Mabait si Xian, I saw him sa most of his mall tours in Manila. Accommodating siya sa fans. I saw him also in Singapore, paalis na nga siya sa Suntec City Mall, to catch his flight back to Manila, hinahabol habol pa siya ng mga fans para mag-pa autograph. Yung security na nakapaligid, walang magawa kasi gustong pagbigyan ni Xian ang mga fans. Hanggang sa pag-antay niya ng service back to airport niya, nakasunod mga fans, requesting for his autograph at pictures with him. Pero di niya alintana, lahat pinagbigyan niya, I was there, I saw it. Xian is kind and nice to his fans whom he calls his friends.

  8. THIS ISSUE………………..ITS ALL A LIE…MY GOSH..WALA NABA KAYONG MAISULAT..NA TAMA!!!! TSK..TSK..

  9. I trully believe that Xian has BIG ATTITUDE PROBLEM.
    at totoo naman ang sinabi ni Mr.Arniel Serato na walang artistang sumikat na walang napapatunayan! gaya. gaya-gaya ka kina MELAI at JASON masyadong nagpakampante sa mga fans, kaya ano ang nangyari sa kanila ngayon? 

    alam mo xian, gumaya ka nalang kina VICE and COCO, baguhan lang sila sa tv pero d lang sila basta magaling, SOBRANG GALING kaya sila sumikat. I’m not saying this because I’m what?? a Kimerald fan? I’M NOT A KIMERALD FAN! , pero aaminin ko dati pakyut lang sila sa tv pero but they proove a lot sa Tayong Dalawa kaya they had their BIGGEST BREAK sa sobrang galing nila sa pag-arte!

    WALANG SUMISIKAT SA PA CUTE-CUTE LANG XIAN!! 

    • Marunong si Xian sa pag -arte kaya napansin. Do you think bigyan siya ng project if walang ika buga! No, the management saw Xian’s potentials, precisely daming endorsements at projects na naka line -up. Give him time, you will eat your own words.

    • WEH ANONG SABI MO NGAYON SA BLOCKBUSTER MOVIE NILA? HINDI PALA SISIKAT AH LOL! TALO LAHAT NG MOVIE NI KIMERALD! HAHAHA 

  10. Yes, it is true Xian & Slater were there to talk to the people around. Itong Arniel ay clear cut liar, writing an article without verifying the facts, fly by night kasi na writer. What can we expect from him kong hindi walang kwentang issue. SHAME ON YOU ARNIEL!!!

  11. I was there too…walang ganyang nangyari…LIAR!..mga TV5 talaga..mga JUICELESS…wala na ba kau maibalita at maisulat ?????  puro na lang panira….haynaku!…kaya hindi umuunlad ang PILIPINAS kong mahal dahil sa CRAB MENTALITY….hay!..so sad!…u can’t put a GOOD MAN DOWN!….magbago na kau…#karma ..

  12. hay naku pag puro panira ang mga cnusulat sa mga talents ng abs-cbn… kilala nyo nang mga alipures ni cristy fermin ito ng tv5….. ano pang asahan nyo? bka cguro c sir gabby lopez intigahin ding bakla… hahaha… ang layo nyo talaga sa narating ni tito boy kc matalino yon di tulad nyong mga writer n nagdunong dunungan… kabobohan nman mga artikulo….

    • o maiiinggit lalo yang mga maninirang writers ng TV5 ngayon… Xian was voted BREAKTROUGH ACTOR OF THE YEAR ng yahoo OMG awards…. mag iisip n nman ng idea kung pano nila pababagsakin c Xian…. MAMATAY KAYO SA INGGIT…  OMG talaga kc nilangaw ang mga talents ng TV5… halos lahat puro KAPAMILYA… except for Solen…. 

      • and that means na kilala talaga NATIONWIDE ang mga talents ng ABS… di tulad ng ibang mga ” SINO SYA” talent….. hahaha…

    • Agree….Nauna ng di hamak na matagal si Cristy Fermin ke Boy Abunda, pero milya milya na ang layo ng narating ni Boy, me credibility kasi, at di mapanira ang mga sinusulat sa mga artista, ABS Talent man o hindi. Etong tropa ni Cristy Fermin, di na nagkaroon ng class at quality sa showbiz reporting. Me naiwan pa si Cristy na mga alagad sa ABS, na mapanira din ang sinasabi tungkol ke Xian. Mas favorite kasi nila si Gerald, eh nakikitang masasapawan ang alaga nila, kaya puro negative ang news ke Xian, para di na umarangkada ang career. Tingnan mo nga ngayon, mas maraming projects at endorsements si Xian. Si Gerald, gumegewang ang career after Budoy, kailangang dumikit ke Sarah to boost his fame and career.

  13. I don’t think Xian has an attitude problem. May mga tao lang talaga na gumagawa ng negative story about someone dahil sikat siya. Hay naku Xian, inggit lang ang mga taong sinisiraan ka! @_________@ 

  14. E bayaran ng tv5 tong arniel n to e! Ska alagad yan ni cristy fermin! Natural paninira ang issulat nyan ke xian!!

  15. Perhaps he knew about your Facebook activity ” Arniel played lower scandal part 4.avi on Plays Now” and thought “WHAT A PERV!” (note, thumbnail photo on his facebook pagge showing 2 half naked men in compromising position)

  16. Xian wouldn’t be where he is now ( i’m not saying he’s super sikat na but surely he’ll get there) if he has an attitude problem, he is a good and kindhearted guy, he’s very accomodating. God bless u

  17. Xian Lim wouldnt be where he is now if what u accused of him is true!U cannot put a good man down-he is very accomodating n approachable -i guess u dont know him that well so pls.as a responsible writer n i hope u are one dont be harsh on a person whose only dream is to succeed and works hard for everything he has now-God is really good to people who are good-if u do good things GOD will reward u so everything that happens to u is because u are rewarded by ur good deeds and thats what happened to Xian-he got the potentials of becoming a big star-so talented,so very goodlooking,w/ admirable attitude,so down-to-earth,consistent n sincere-why dont u know him first and u will see for urself that what u thought of him is not true-dont u wonder why people love him?people -young and old alike,rich n poor even the poorest love him dearly?The answer is very clear dont u think so?

Leave a Reply

Your email address will not be published.