Xian Lim and Kim Chiu: We Found Love!

XIAN LIM

Real Name: Alexander Xian Cruz Lim Uy

Birthdate: July 12, 1989

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

KIM CHIU

Real Name: Kimberly Sue Yap Chiu

Birthdate: April 19,  1990

Zodiac Sign: Aries

Date Range: March 21 – April 20

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

KINAKIKILIGAN NGAYON SA primetime ang tambalan nina Xian Lim at Kim Chiu sa My Binondo Girl. Sa katunayan nga, may mga fans na nga sila na ang tawag sa kanila ay ‘KimXi’. Ang mga nainlab naman sa kailang characters sa programa bilang Jade at Andy ay may nabuo ng JAndy. Senyales na ba ito ng pag-baboo sa Kimerald? Hehe, joke lang po!

In fairness, bagay naman kasi talaga sina Xian at Kim. Parehong pang-model ang aura, may sense of humor at may ibubuga rin naman. Sa usaping pag-ibig kaya ay may tsansa ang dalawang good-looking Kapamilya stars na ito? Let’s investigate!

Mapagmahal sa pamilya ang Aries, pero hindi ito kasing dedicated tulad ng Cancer. Sa katunayan nga, ang sobrang pagdikit sa pamilya ay maaaring makasakal sa free-spirited na Aries. Importante sa kanya ang freedom at independence samantalang ang Cancer naman ay nangangailangan ng intimacy at malaki ang posibilidad na maging dependent ito sa kanyang magiging dyowa.

Ang compatibility ng dalawa ay nakadepende sa kung gaano sila madalas mag-usap at kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo para sa isa’t isa. Puwede ring turuan ng Aries ang Cancer kung paano maging independent at in return, baka makatulong ang pagiging romantic ng Cancer para ma-tame down nang konti ang Aries. Opposites attract, right?

Ang babaeng Aries ay palaging on the move, samantalang ang lalaking Cancer ay mas trip na relax lang palagi. Kahit pa sabihin na may instant attraction sila sa isa’t isa, kailangan nilang pagtrabahuan kung papaano tatagal ang kanilang relasyon. Ang isa ay mahilig gumala habang ang isa naman ay may pagka-possesive. Pareho rin silang matigas ang ulo at pinaglalaban palagi ang gusto. Sa pag-ibig naman, basta willing ang isa na mag-adjust ay masosolb na agad ang problema. Medyo ganito rin ang eksena nina Andy at Jade sa My Binondo Girl, ‘di ba?

In short, may tsansa talagang mag-work ang Xian-Kim tandem sa totoong buhay. Ayun, we found love in Binondo na ba ito? PAK!

PHOTOS: KIM CHIU/ XIAN LIM

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 146 November 23 – 24, 2011 Out Now!
Next articleKaya raw hiniwalayan na ng GF… Rafael Rosell, may relasyon kay Erich Gonzales?

No posts to display