X Factor Israel Grand Winner Rose Fostanes, sunud-sunod ang trabaho sa Pilipinas

Rose Fostanes

Rose Fostanes

Mukhang mae-extend ang bakasyon sa Pilipinas ng mahusay na singer at X Factor Israel Grand Winner na si Rose “Osang” Fostanes dahil sa sunud-sunod na shows nito sa Pilipinas.
Bukod nga sa nalalapit nitong concert sa Zirkoh sa August 24, 2016 kasama ang iba pang X Factor Stars na sina Michael Pangilinan at Angel Bonilla, entitled “Voices The Concert featuring the X Factor Stars” ay may shows at guestings pa ito sa bansa like sa July 29 sa Aksyon sa Umaga at Think Positive sa TV5; July 31 sa Think Positive sa TV5; BLC Covered Court, Western Bicutan, Taguig City; Aug. 7 (Bacoor Coliseum,  Springville Camella, Molino III, Bacoor City); at Aug. 20 (Ever Gotesco Mall, Commonwealth, QC).
Dream come true raw para kay Osang ang makapag-perform sa harap ng mga Filipino. “Happy ako kasi natupad na ang pangarap ko na makakanta in front of Filipino audience. ‘Yun kasi talaga ang gusto ko.
“Iba kasi ang feelings at nararamdaman ko everytime na napapasaya ko ang mga kapwa ko Pinoy sa mga songs ko.
“Sabi ko nga sa sarili ko, habang may trabaho akong gagawin sa Pilipinas, mag-stay ako. Gusto ko kasing i-share ang talent ko sa singing sa mga kapwa ko Filipino.
“And any time naman, puwede akong bumalik sa Israel para mag-perform. Pero rito muna ako at tatapusin ko muna ‘yung mga natanguan kong proyekto,” pagtatapos ni Osang.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.