Wynwyn Marquez, naudlot ang pagsali sa beauty pageant

Wynwyn-MarquezNAUDLOT ANG kagustuhan ni Wynwyn Marquez na sumali sa anumang beauty pageant dahil kapipirma lang niya ng two years exclusive contract sa GMA 7. Baka raw mahirapan ang schedule sa magte-train sa kanya para maging beauty queen.

“Gusto ko na pong sumali, pero sabi ng manager ko, hindi pa ako masyadong ready. Ayaw naman daw niya madaliin ang lahat kasi gusto niya handang-handa ako physically at mentally.

“Twenty one years old na po ako kasi ngayon. Tama lang daw kapag natapos ang kontrata ko with GMA, twenty three years old na ako. Magiging ready na ako that time. Doon na niya ako sisumulang i-train.

“Kampante naman po ako kay Mama Jonas (Gaffud) kasi proven na ang husay niya sa pag-mold ng beauty queen. Kaya kung sinabi na maghintay pa ako, maghihintay ako for the right time,” pahayag ni Wynwyn.

Samantala, nang hingan namin ng reaction ang mga magulang ni Wynwyn na sina Alma Moreno at Joey Marquez. Kapwa all-out ang suporta raw na ibibigay nila sa anak na dalaga.

Siyempre dalangin nina Alma at Joey na na manalo ito tulad ng karangalan natamo ni Megan Young na sumabak sa beauty contest na nagwagi.

 

NAGKALAT ANG balita na umatras na rin raw ang Boy Golden, sa Metro Manila Film Festival this December dahil diumano hindi raw matatapos sa tamang araw ang kabuuan ng pelikula na pinagbibidahan ni Laguna Gov. ER Ejercito na idinirek ni Chito Roño.

Sa December 25 pa ang simula ng MMFFP at kung hindi kami nagkakamali ay may ilang araw pa naman para sa deadline ng mga entry kasali sa taunang festival.

Kung sakali naman na talagang hindi umabot sa deadline ang mga pelikula ay magmumulta ang mga producer bilang penalty, pero kasali pa rin ang entry movie nila sa taunang festival.

Sa aming pagkakaalam, malabong iatras ni Gov. ER ang Boy Golden, dahil balita namin, nakapagpagawa na siya ng mga T-shirt at iba pang gamit para sa promo ng movie katambal si KC Concepcion, ang tinanghal na Best Supporting Actress sa katatapos na 27th PMPC Star Awards for TV.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.