Wowowee staff, aalis bukas patungong Lake Tahoe

BUKAS NANG GABI na ang alis ng tropa ng Wowowee papuntang Amerika. Matagal nang naka-book ang dalawang shows nila du’n, bago pa naganap ang kontrobersiya sa noontime show ay nakakasa na ang pagpapasaya nila sa ating mga kababayan sa Lake Tahoe at Seattle, Washington, kaya kailangang tuparin ni Willie Revillame at ng kanyang grupo ang kanilang kompromiso.

Pero siguradong matutulog sa buong biyahe si Willie, dahil bago siya makaalis ay kaliwa’t kanang trabaho muna ang kanyang ginawa, kasama na ang mabusising pictorial para sa isang kilalang brand ng pabango.

Sa kanyang pagbabalik ay siguradong nakakabit na ang kanyang mga billboard sa mga abalang lansangan, makikipagsiksikan na ang kanyang billboard sa akala mo palengkeng lugar sa may tulay ng Guadalupe, kung saan pinagpipistahan ng mga motorista ang napakaguwapong billboard ni Piolo Pascual para sa Bench.

Maligaya naman ang production staff ng Wowowee dahil ang nakasanayan na nilang pakikipag-bonding kay Willie dito na naudlot dahil sa hindi muna niya pagre-report sa programa ay sa Amerika pa nila magagawa.

Sabi sa amin ng isang staff, “Masarap kasama si kuya dahil very generous siya. Naalala ko tuloy ‘yung isang show namin sa Las Vegas, nakakadalawa na kasi kami du’n, kaya ‘yung una ang sinasabi ko.

“Sa sobrang saya ng producer dahil punumpuno talaga ang Thomas And Mack Center, binigyan niya ng bonus si kuya, malaking halaga ‘yun. Alam mo kung ano ang ginawa ni kuya?

“Kaming lahat, as in pati ang mga dancers, binigyan din niya kami ng bonus na hindi biro ang amount. At dollars ‘yun, ha? Kaya ayon, pag-uwi namin, malaki ang binayaran naming lahat sa mga excess baggage namin,” pag-alala ni Rackie Sevilla.

Si Willie Revillame lang din ang kilala naming TV host na regular na nagbabahagi ng kanyang biyaya sa mga kasamahan niya sa programa. Hindi pagbili ng kaalyado ang interpretasyon namin sa ganu’n, ang mga pesonalidad na sikat na ay wala nang pakialam sa kung ano ang sasabihin sa kanila ng ibang tao, ang pera at kasikatan at kapangyarihan ay nagpapakumportable sa tao sa personal naming opinyon.

‘Yun talaga si Willie. Ganu’n talaga si Willie. Palibhasa’y lumaki siya sa kawalan, palibhasa’y nasanay siya sa kakapusan, kaya ngayong meron na siya ay kaligayahan na niyang makakita ng mga taong nasisiyahan din sa kung anumang meron sila.

by Cristy Fermin

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “Wowowee staff, aalis bukas patungong Lake Tahoe

  1. Well well well, look who’s talking? iam sure sobrang sobra ang promo ninyo sa lake tahoe pra marami ang dumating at para palabaasin na walang kupas tlaga si willie…hay sure n sure madaming pupunta not because of willie but because of what the show gives…prizes ang a lot more…but you know at the end of the day, niloloko parin nila ang mga tao, ABS-CBN and willie’s galamay still living in a BIG BIG LIES! Accept the fact that the people who signed in the Petition to oust willie really dont believe in him… why???because willie is the Master of Deception, a Great Pretender…anyway “Man Does Not Live By Bread Alone”, beside hindi naman sa kanya yung pinamimigay nya galing yan sa mga advertisers…barya lng yang pinamimigay ni willie, sabi nga ng iba baka may mga under the table pa???I do believe in KARMA…darating din yan kay willie…at sino naman kaya aang bibili ng pabango nya???iam sure madami kayong mga galamay lang ni willie at kamaganak nya at mismong si willie para sabihing mabentang mabenta…HOY GISING!

  2. Kaya pala yung kagamitan sa bahay ng anak niyang si Meryll ay hindi nabili ni Willie kasi ibinigay niya sa iba ang perang pambili. Binigyan nga ng bahay, ano ba naman na pati mga kama at kagamitan ay punuin na pero hindi eh. Bahala na daw ang bata.

    Mag i endorse si Willie ng pabango? Pabanguhin muna niya ang pangalan niya ulit. Masyado ng mabaho ang singaw. Ay..talagang kelangan niya ng pabangong iyan.Pero kung ako..hindi ako bibili niyan..baka mag amoy Willie ako!!! Sa iyo, Cristy..bagay iyang pabango ni Willie. Magkasing amoy kayo eh.

    Nasisiyahan ba si Willie sa ginawa niyang pagwasak sa isang pamilya,Cristy?Basahin mo sa Facebook ang sulat ng bata!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.