Wowowee, puro tukaan

“CONGRATULATIONS!” NAKAKABALIW ANG tono nu’ng girl na nagbibigay ng premyong pera sa contestants ng Wowowee. Aliw na aliw kami sa babaeng ito. Ibang-iba ang timbre ng boses.

Dahil sa kakaibang dating niya, feeling namin, she will make it. Basta bibigyan lang siya ng moral support ni Willie Revillame, promise.

ACTUALLY AND HONESTLY, HINDI naman kami nagsasawa kung araw-araw man naming naririnig na kinakanta ni Willie ang Ikaw Na Nga with matching nahihirapan pa siyang abutin ang taas ng tono ng chorus.

Kasi nga, in na in ang kanta. ‘Yung iba’y sawang-sawa na. Aba, malay n’yo, isa sa mga araw na ‘to, ma-feel din ni Papi na nagsasawa na kayo, eh, marunong namang makiramdam ‘yan, eh.

Wait n’yo na lang kung kelan titigil si Papi, ha? Bongga ‘ata ang clamor, eh.

MGA LOVERS LANG ba’t punumpuno ng pag-ibig sa minamahal sa buhay ang dapat “makinabang” ng awiting ‘yon ni Willie? Nalolokah kami, dahil everytime aawitin ‘to ni Willie, eh, ipinapakita sa kamera na me nagtutukaan, me naglalaplapan.

Juice ko, parang mga nasa sinehan lang at nanonood ng pelikula.

Akala naman nila, tetelagan kami, hehehe.

NAIINTINDIHAN NAMIN SI Freddie Aguilar sa kanyang pinupunto na “patriotism” o ang pagiging makabayan. Ang pagiging Pinoy ay dapat na ipagmalaki kung nasa ibang bansa ka.

At hindi natin siya mapipigil kung magbigay man siya ng opinyon kung paanong kahit ang ibang friends namin ay may opinyon kay Freddie Aguilar na, “Si Freddie naman, sumikat lang ang kantang Anak, akala mo, kung sino na! Gusto yata niyang mangyari, ‘yung gusto niya ang mangyari at hindi ‘yung paraan ng ibang Pinoy artists. Eh, kanya-kanyang diskarte ‘yan, eh. Makialam ba?”

Opinyon po ‘yan ng aming friends, ha?

Read Ogie Diaz’ Blind Item: Young actress at matinee idol sa magkalabang network, nagkatikiman?!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11am-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

18 thoughts on “Wowowee, puro tukaan

  1. bkit si valerie wla ng masyadong exposure.sa lahat sya pinaka mganda maghost..nakaka asar yang mariel na yan..nagpapatawa corny nman trying hard masyado.

  2. ay….. salamat nawala din sa ere si willie, dapat tuloy-tuloy na. ang yabang na kasi nya.akala mo kung sinong magaling mag-english..at isa pa hinde naman sya singer no…hirap nga syang kumanta ng live…hoy!!! willie,akala mo siguro magaling ka…hinde no kundi MAYABANG KA

  3. MASASABI Q LANG KAY WILLIE MASYADO SYANG MAYABANG AT MADAYA SA SHOW NYA PAG GUSTO NYA PINAPANALO NYA PAG AYAW NYA MASYADONG HALATA, PAG WALA SHA SA MOOD KITANG KITA SA MUKHA NYA.. YABANG M!

  4. Hey… Leave Willie “wowowee” R. alone! we need a sex maniac for entertainment and nobody does that better than this freakshow himself.

    Sige igiling pa ninyo yung mga tinggil ninyo para kay Willie tutal mga pakantutin naman lahat kayong talaga.

    Ang suwerte naman nitong DOM na Willie na to’ ibat-ibang puke ang natitikman. YEHEY!!!

  5. SA MGA NANONOD NG WOWOWEE PAKI BILANG KUNG HOW MANY TIMES SABIHIN NI ANG MGA WORDS LIKE…THAT’S RIGHT AND TULUY-TULOY PO TAYO NAKAKARINDI NA KC! AND PLEASE SANA PAGSABIHAN NAMAN NI MS.CHARO SANTOS SI WILLIE NA EVEN ON AIR MADALAS PAGALITAN ANG FROM CAMERAMAN TO ASF DANCERS SANA WAG NAMAN SA MADLA PIPOL MANGLAIT IF HE CAN JUST TELL THEM OFF THE CAMERA.TULAD NG PAGPAPAHIYA NYA KAY ERIC DAHIL DAW MY NAISULAT SA DYARYO NA DI NAKAKATAWA.TAPOS DURING THE SHOW LALAITIN PA NYA YUNG TAO!MOST OF THE TIME WILLIE IS NOT EVEN FUNNY ANYMORE,NAKAKASAKIT SYA NG DAMDAMIN NG IBANG TAO PERO DI NYA MINSAN NAIISIP YUN.IBA NA ANG MAY PERA!

  6. Wowowee is going down the drain. Willie’s co-hosts specially RR and Pokwang will pull him down if he is not careful. These two are irritating. Bring back Lara and throw in beauties like Roxanne and Christine. Keep Valerie and maybe Mariel. Try and develop Congratulations. Natutuwa ako sa kanya, pero napapansin ko si Pokwang, parang irita kay Congratulations. Listen to all these comments Willie before it’s too late. I heard Lake Tahoe is waiting for RR to meet her with a big BOOOOO. However, it looks like RR is not included in the trip. Sayang naman ang inaasam asam na malaking pagsalubong kay RR.

  7. Yun ang opinion ni ka freddie pero masyadong oa naman ung pagiging patriotic niya. Instead of criticizing his fellow artists, he should focus more on his career and think of something that can further his career.

  8. Ngano naa man na si chokoleit sa wowowee pangit man kaayo na siya oi imbes kay mga gwapa to sa wowowee sauna sila si mariel, precious lara and valerie.. and sige lang pud na balikbalik ug kanta si willie sa ikaw na nga…

  9. I like that girl as well! Congratulations from *insert sponsor?*

    And I agree. Pease lang please tell Willie! SAWANG SAWA NA AKO SA KANTA. NAPAPALIPAT TULOY AKO SA EAT BULAGA PAG NANONOOD SA TANGHALI AT IN FAIRNESS HIRAP KO NA MABALIK SA DOS DAHIL DUN.

  10. Nakakainis ang wowowee! at baket andon pa c chokoleit! naging bakya wowowee! asan na c lara? hay palitan ang mga co-hosts!

  11. SIGE NA NGA. IKAW NA NGA. TIGIL NA. PAULIT ULIT. NAKAKASAWA NA. DATI, ANG NAKAKAIRITA LANG AY SI POKWANG, RR AT MARIEL. NGAYON NAMAN PATI BA IKAW WILLIE. OGIE. . . PLEASE. . . PAKISABI SA TAONG ITO NA NAKAKASAWA NA. MARAMI PANG PALABAS SA TFC NA GUSTO NAMING PANOORIN PERO NASASAYANG LANG DAHIL SA WOWOWEE. ANG HABA PA NAMAN TAPOS KAKANTAHAN TAYO NI WILLIE. ANO ITO, PAMATAY ORAS?

  12. AKO SAWANG-SAWA NA SA KANTA NI WILLIE UTANG NA LOOB KUNG NAG-NUMBER ONE NA YAN PWEDE BA HUWAG NANG KANTAHIN NG PAULI-ULIT…..NAKAKARINDI SA TENGGA PARANG ULAM NA PALAGI NA LANG YUN ANG HANDA NAKAKA-UMAY NA TALAGA….NANONOOD AKO NG WOWOWEE PERO PAG-KUMANTA NA SI WILLIE…..SIMULA NA ANG USOK NG TENGGA KO KAYA NILILIPAT KO NA LANG….SAYANG ANG BAYAD KO SA TFC DAHIL LANG SA PAULIT-ULIT WALANG KAMATAYAN NA KANTA NA YAN…..SANA MARAMING MAG-COMPLAIN PARA MATAPOS NA ANG PAGKANTA NYANG YAN……NAKAKASIRA NG TANGHALI……PORKE BAT SHOW NYA EH SIYA NA LANG LAGI MASUSUNOD AKALA KO BA SHOW NG SAMBAYANAN YAN KUNG SAAN YUN LAGI ANG SINASABI NA SANA…..NGAYON SAMBAYANAN NA ANG PAKIKINGGAN……OGIE IPA-ABOT MO ‘TO SA ABS-CBN……..U-T-A-N-G NA L-O-O-B………..

  13. Gusto ko si CONGRATULATIONS. Nababago naman. Pero bakit si Pokwang, medyo asar sa kanya? Medyo may pasaring lagi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.