WOWOW! Jessy Mendiola, mega cry sa anniversary gift ni Luis Manzano!

Jessy Mendiola

ONE YEAR na palang magdyowa sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Grabe ‘noh? Sa dami ng pinagdaanan ng kanilang relasyon, pakiramdam naming ay limang taon ang katumbas ng mga unos na pinagdaanan nila in one year.

Kunsabagay, hindi pa naman sila officially together nang malaman ng publiko na si Jessy Mendiola ang bagong babaeng sinusuyo niya after mag-fail for the second time ang relationship nila ni Angel Locsin. Ang akala nga namin ay magiging ganap na daughter-in-law na talaga ni Ate Vi si Angel.

Umani ng samu’t saring praises and criticisms ang magdyowa kahit sa umpisa pa lang ng kanilang journey together. May mga masaya para sa dalawa bang meron din bashers and haters na tila hindi maka-move on sa supposedly pa-forever na ship ng LuckyGel. Well, not all Angels are Lucky in love.

Madalas na magpost ng couple photos ang dalawa lalo na ng trips nila together. Kung karamihan ng showbiz couples ay mailap na ibuyangyang sa publiko ang kanilang relasyon at private moments, ang dalawa naman ay masipag mag-share ng kanilang bonding moments online.

Up to this day ay may mga bashers pa rin na naliligaw. May mga instances na hindi nila mapigilang pumatol lalo na si Luis, na todo sugod at reply sa mga nanlalait sa girlfriend niya.

Sabi nga ni Ate Vi, gusto niya si Jessy dahil hindi ito pretentious and what you see is what you get.

Mukhang mas masaya rin ang aura ni Luis kahit pa halos araw-araw ‘ata sila nagba-block ng mga tao sa social media.

Anniversary nila kahapon at todo smile ang dalawa sa kanilang lunch date. Maluha-luha naman si Jessy nang iabot sa kanya ni Luis ang anniversary gift: Isang puppy na ipinangalan nilang Chewy.

Awww… sweet, ‘diba? It reminds us of a viral video na sumikat early this year. Doon kaya nakuha ni Luis ang inspirasyon? Ano naman kaya ang gift ni Jessy?

Congratulations to Luis and Jessy! Dapat ang next gift na ni Luis ay engagement ring, huh!

loading...

One thought on “WOWOW! Jessy Mendiola, mega cry sa anniversary gift ni Luis Manzano!

  1. Kahit sa surprise gift na iyal fail pa rin akting ni Jessy!!! Post sila ng post. Sign yan na isa sa kanila may insecurity sa relasyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.